Chapter 6- Mahal

1.2K 70 76
                                    

My fave chapter! Hope you'll enjoy reading! Don't forget to share your thoughts, loves! 

__

HINDI naka-biyahe sa hapon si Chandra pabalik ng Coron dahil biglang may dumating na mga lalaki ilang oras pagkatapos tumawag 'nong kaibigan ni Nicco na Levi ang pangalan. He just said that they were thankful na inalagaan nila si Nicco.

Sirado ang harapang pinto habang naghahanda sila ni Gina ng hapunan para sa mga bisita. Kausap 'nong Maric si Nicco pati ang Tatay niya. Kasing edad lang ni Nicco si Maric sa tindig at anyo pa lang. Sa narinig niya kanina ay kaibigan ng lalaki si Nicco.

Men with the same muscles flocked together pala. Purong dugong Pinoy si Maric pero sobrang gwapo dahil sa matangos na ilong at magagandang hugis ng mata. Iyong tipo ng lalaki na sa kada lugar napupuntahan ay may mapapa-ibig. The sex appeal was raging like a sun during summer.

Pero hindi si Chanina, loyal at faithful ang puso niya sa kanyang asawa. Kay Nicco lang siya luluhod at magpapakahina. She glanced Nicco one more time.

She didn't want him to leave. Gusto lang talaga niyang ma-check ito ng mga doktor at mabigyan ng gamot. Saka natatakot din talaga siyang masanay si Gina at Tatay niya sa presensiya ni Nicco. Baka matagalan si Nicco sa kanila ay mapamahal na si Gina at ang tatay niya rito.

Nakakatakot kaya 'yon.

"Sasama kaya si Kuya sa kanila, Ate?"

"Oo naman. Kailangan siyang gamutin, Gina. Paano ko ba itatanim diyan sa kukuti mo na kailangang gumaling ng Kuya mo? Naiinis na ako sa'yong bata ka."

"Ma-mi-miss ko siya." Tiningnan niya lang ang kapatid na naglalagay ng mga baso sa mesa. Maliit lang ang mesa nila kaya baka muuna ng kumain ang mga bisita. "Hindi mo siya ma-mi-miss, Ate?"

"Hindi."

"Hindi ako naniniwala. Nandito ka pa nga imbis na bumiyahe papuntang Coron. Ayaw mo siyang iwan kasi sa Sabado pa ang uwi mo ulit at kapag uuwi ka na ay wala na si Kuya rito."

At doon niya na realize ang bagay na iyon. Limang araw pa bago makauwi ulit rito sa kanila. At ang malas pa doon ay minsan hindi siya gustong pauwiin ng Lola niya saka may part time job din siya sa pagtitinda ng mga bingka nito. At ang pinakamalas sa lahat ay hindi na niya makikita si Nicco sa susunod na weekend dahil uuwi na ito sa kanila.

Would she miss him? Terribly! Nakakapanghinayang lang din.

"May bisita, Gina, alangan namang hindi ko kakausapin."

Tumingin lang sa kanya ang kapatid, hindi pa rin siya paniniwalaan. Binaliwala niya ito, tinatapos na ang paghahanda ng mga pagkain.

Iyong malaking divider na nilalagyan ng TV nila ang nakapag-gitna sa kusina nila at malaking sala. Habang papalabas ay nakatingin siya sa mga nag-uusap pero mas nahuli pa niya si Nicco na nakatitig sa dinadala niyang plastic upang itapon sa basurahan sa labas.

Makinig kaya sana ito sa pinagsasabi ni Sir Maric.

__

LUMIPAS ang gabi, ilang oras pa ang tinagal ng pag-uusap ni Sir Maric at ni Nicco pagkatapos ng hapunan. Sobrang seryoso iyon at narinig niya pa ang salitang danger and protect. Pagkatapos ay lumabas naman si Sir Maric, tinawag ang dalawang lalaki na kasama nito.

Some guys arrived at their house carrying an average size black luggage.

"Pinadala ni Sir Levi, Sir," ani ng lalaki. Nasa kusina siya kaya hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil natabunan ang anyo nito ni Sir Maric. Nagpatuloy na lamang siya ng paghuhugas ng pinggan.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now