Chapter 16 - Two Lines

1.3K 57 28
                                    

Sorry for late update! Anyway, thank you for waiting. Typos and grammatical errors. 
__

"CHANDRA," papalabas na si Chandra ng university ng biglang may sumulpot sa kanyang harapan. Matandang ginang na nasa edad kuwarenta. She looked high profiled. Parang pamilyar ang mukha, kapag bigating pangalan ng mga pamilya sa isla ay pamilyar sa kanya ang mukha. Definitely, she was one of the rich families here in Coron.

Kaya ganoon ang pagtataka niya kung bakit siya nito nilalapitan.

"Po?" may pag-aalala sa mga bata nito at pagsisisi. "Ina ako ni Cherry. Pwede ka bang makausap saglit?"

Cherry? Medyo shock pa siya dahil ano na naman ang kailangan nito sa kanya ukol kay Cherry. Tapos na siya sa babaeng iyon. Deserve nitong makulong dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ng anak ko sa'yo. Naglakas ako ng loob na lumapit sa'yo, hija."

Marahan na lang ang kanyang tango kahit nakatitig pa rin sa ginang. Hindi naman nito kasalanan ang kasalanan ni Cherry, pero ang hirap pakitunguhan ang mga bagay na konektado kay Cherry.

"Maraming salamat, hija. Halika..." sumunod siya sa pagpasok sa sasakyan nito. Kung kikidnapin man siya, she could protect herself.

Sa loob ng sasakyan, medyo ina-adjust pa niya ang sarili niya. Ano kaya ang gagawin ni Mrs. Fabroa.

"Kung magmamakaawa po kayo, pasensiya na, alam niyo naman pong illegal drugs ang pinatong na kaso kay Cherry. Kung ano man ang nagawa niya sa akin, sapat na iyong nasa kulungan siya at nagsisisi sa mga ginawa niya."

"Hindi ako makikipag-usap sa'yo dahil diyan."

Umandar na iyong sasakyan. Hindi naman mukhang suspicious si Mrs. Fabroa pero kinakabahan siya. Iyong amoy ng sasakyan nito, nakakahilo. Sumandal na lamang siya saka kinuha ang water bottle niya sa bag.

"Sa mga buwan na nakulong ang anak ko sa mga kasalanan niya, ikaw ang parati niyang binibanggit. Kapag dinadalaw ko siya ay wala siya sa sarili. Iyong droga na tini-take niya seems to effect now. Sa loob ng isang buwan na pagkakakulong, she became depressed. I'm here to save you actually. Kahapon kasi may dumalaw sa anak ko, dalawang lalaki. Suspicious ones. And when I talked to my daughter she was happy and confident that you'll be killed today."

Namimilog ang mga mata niya. Kaya pala kaninang umaga ay pakiramdam niya may sumusunod sa kanya. Buong araw siyang nasa school kasi hinahanda niya ang lahat ng gagawin para sa graduation sa susunod na mga araw.

"Hindi ko po matandaan sa tanang buhay ko kung ano ang nagawa kung kasalanan kay Cherry, madame. Kung bakit ganito lamang ang ginawa niya sa akin...she even hired men to rape me."

Doon niya nakita ang pagtulo ng mga luha ng ginang.

"Kasalanan ko. Hindi ko napalaki nang maayos. Baka may pagkukulang ako. Baka hindi ko naibigay lahat. Pero kilala ko ang anak ko, she was really threatened by those poeple who are talented than her. It is her dream na makapasok sa Dove Records. Nalaman niya mismo sa staff na ikaw ang inalukan ng slot. Her songs got rejected. I don't know what else I could say to her that one rejection isn't the end. Pero ayaw niya, the drug on her mind controlled her emotions. I have known that she was taking it. Para sa isang ina, nakakalungkot. Hinihintay ko na lamang ang oras na makulong siya mismo dahil na-raid ng mga pulis, kasi hindi ko siya magawang isuko. Mahal na mahal ko ang anak ko."

Chandra found herself loudly crying. Sa inggit, sa lungkot, sa sakit. Nakakainggit. Cherry was loved by her mother so much. Ni walang nagsasabi sa kanya ng soothing words kapag pumalpak siya.

Sa lungkot kasi ni hindi pa nga siya naka-oo sa offer ng Dove Records. Gustong-gusto niyang tanggapin pero graduating student siya at ayaw niyang maiwanan ang pamilya niya.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now