Chapter 19 - Little Fan Girl

1.1K 69 28
                                    

Thank you for still reading! Enjoy! Typos and grammar errors. Unedited. 

__

"PANGARAP ko ang ibigin ka," mahinang pagkanta ni Chanina sa loob ng dressing room niya. Vino-vocalize niya ang kanyang boses habang kinakabisa ang mga lyrics. Isang linggo rin naman niya itong ini-ensayo pero kailangan lang talaga na perfect ang performance niya sa Stars Light mamaya.

Ang Stars Light ang top rating Sunday entertainment and musical variety show sa buong bansa. Lahat ng magagaling na singers ang makakasabayan niya mamaya. Special segment ng programa to honor OPM.

"Trending na naman kayong dalawa ni Reamy," paismid na komento ni Mimi Blanco na madamdaming kumakain ng salad bilang umagahan sa circular table sa room niya. Sumulyap siya sa trends list sa Twitter. Kulang na lang ay bumuntong-hininga siya.

CHAMY FOR REAL

Jusko. Nasa second spot pa. Hindi niya kayang isipin. Mabait naman si Reamy pero mas bata sa kanya iyon ng tatlong taon, saka aksidente lang naman silang nagkita sa Clarkson kagabi.

"Good thing ba 'yon o bad thing?" idinaan niya sa halakhak dahil uusok na naman dugo nitong manager niya.

"Good thing na may pagka-bad thing. Good thing kasi parati kang usap-usapan ng madla. Ikaw talaga ang isa sa pinakasakit na singer ngayon. And, I'm super happy for you, alaga. Bad thing dahil baka makita ng management ang chemistry niyo ni Reamy at gawan kayo ng teleserye. Super ang pressure kapag may loveteam ka, Chandra."

"I'm already twenty-eight, mimi. Hindi na bagay sa akin 'yang loveteam loveteam na 'yan. Saka vocal naman ako na hindi ako ganoon kahasa sa pag-acting. Yes, I can take extra roles pero iyong maging main lead, hindi talaga para sa akin."

"Sa tatlong taon mo rito sa industriya, Chandra. You cannot expect na pagkanta lang ang aanihin ng management sa'yo. Napapansin mo ba, mga multi-talented ang mga sobrang sikat ngayon aside from the loveteams. They can sing, dance, and act. Hindi lang pwedeng isa ang maibigay mo. And ganyan ang showbiz, babe."

Binasa niya ulit ang lyrics habang iniisip ang sinabi ni Mama Blanco. Sumulyap siya rito na nakataas na ngayon ang kilay.

"Pwede naman. If I have the potentional, then I can grab it. I have a lot of time to improve if that's the key so that I can build ang strong name in this industry."

"Ganyan dapat ang espiritu mo, Chandra pero sa ngayon ay magfo-focus muna tayo sa next album mo at kay Reamy. Wala ba talaga? Di mo gusto?"

Umiling-iling siya. "Mabait, magaling, talentado, gwapo pero hindi. Walang spark eh."

Lumiit ang tingin ni Mama Blanco sa kanya. "Ang manhid naman ng puso mo. May ex ka sigurong hindi nakakalimutan, ano. Tatlong taon na tayong nagsasama sa hirap at ginhawa, Chandra pero wala kang sinasabi sa akin."

"Hay naku, mimi. Iisipin muna natin kung paano natin e-re-resolve ang trending na loveteam na 'yan."

Una, singer din si Reamy at naging mag-partner sila sa isang OST ng isang primetime teleserye. Pangalawa, naging malapit sila sa isa't-isa kasi lumalapit lang naman talaga 'yon sa kanya dahil sa isang singer din na kaibigan niya. Ka-batch niya sa VOTS na may ka-loveteam din ngayon. Pangatlo, nagpunta siya sa Clarkson kagabi dahil engagement party ni Sir Warren at Ma'am Sheen at siya kinuhang performer. Nandoon din si Reamy kasi isinama ng isang kaibigan na kaibigan pala ni Sir Warren.

"Sabihin mo may boyfriend ka. Magpost ka sa IG ng mga pictures na nagpapahiwatig."

"Wala akong boyfriend, so ibang strategy na lang."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now