Chapter 30 - Ruin

1.3K 58 16
                                    

2 chapters to go! Thank you at umabot kayo sa pahinang ito. Salamat sa matiyagang pagbabasa at paghihintay!

Unedited. Typos and grammatical errors.

__

"CONGRATULATIONS!" dumagundong sa buong bakuran nila Sir Levi ang mga pagbati. Bilang pagdiriwang sa pagiging engaged nilang dalawa kanina, nagtipon-tipon ang mga kaibigan ni Nicco pati ang mga kaibigan niya at si Tatay Gerome. They were under the moon that was so round and full tonight.

"Maraming salamat," his friends were really accommodating and supportive kahit si Fabiz ay iyong mukhang pinakabitter sa lahat. Paris was that friend that always soft. Iyong awra nito ay iyong gwapo sa school dahil malinis, parating mukang mabango, pagkakaguluhan, parati at naka-baby Johnsons palagi. At iyon kaibigan niyang bago niya lang nakita kahapon ay Diego pala ang pangalan. Si Ashemir na gustong-gusto na updated sa mga happenings sa buhay ng mga kaibigan nito ay wala rito. Marami kasi talaga 'yong trabaho sa Manila pero pilit na pumunta sa Alegre para raw e-welcome si Nicco. Ito iyong tipo ng artista na in demand sa mga national contest, endorsement, interviews, guestings, at balita niya ay nag-a-acting workshop ito ngayon.

"At maraming salamat din sa'yo, Chandra dahil mukhang may kaibigan na naman akong magko-convert bilang Filipino dahil sa pag-ibig," biro ni Sir Levi habang si Nicco ay may tinuturo kay Seichi ng isang mobile puzzle game sa cellphone. Nakaupo sila sa mahahabang outdoor couches na nilipat talaga ng sadya sa lawn. Siechi was standing in front of his father while Nicco was instructing the mechanics of a game.

"May iba pa ba tayong kaibigan na lumipat ng continent?" Si Diego na mukhang alam na alam naman 'yong tea pero dahil nandito yata ang pinatatamaan kaya need nito e burst out ang tanong.

"Exaggerate? 'Di ba pwedeng, I love here in Phils because it's truly more fun in this place?" si Paris iyong sumabat na lumalantak ng potato chips siguro 'yan? British accent? English man? "Unfortunately for you, I will not be the subject of all your teas."

"A very shallow reasoning. Pag-ibig lang talaga 'yong magpapa-lalamove sa inyo mula America or England papuntang Pilipinas." singit ni Fabiz na siyang nagpapaypay sa inihaw.

"Umuuwi naman ako sa'min."

"Ilang taon ka nang nakatira sa Alegre uy. Huwag kami."

Chanina just chuckled with the teasing and gentle banters. Iyong tatlo naman niyang kaibigan ay nagset-set up ng speaker sa flat screen TV na inilabas kanina para sa kantahan daw pagkatapos ng kainan.

"Isang magandang bagay na ginagawa niyo lahat para sa mga minamahal ninyo. Tama 'yan, iyong ipadama niyo sa kanila kung gaano niyo sila kamahal. Pero payong matanda, walang masamang magbigay ng lahat-lahat para sa taong minamahal ngunit kailangan magtira sa sarili. Sobrang laking bagay kung kailangan niyong bitawan ang nakasanayan niyong buhay dahil sa pag-ibig. Kung ganoon man ay dapat nakikita niyo ang isa't-isa na magkasama habang buhay sa kasiyahan o kalungkutan. Iyong pag-ibig na nanatili at lumalaban kahit wala na 'yong kilig."

Agad niyang naintindihan ang pinapahiwatig ng tatay niya kaya niyang niyakap ang braso nito. Si Paris naman ay mukhang constipated dahil siya iyong topic kanina.

"I don't have someone really. I certainly love myself for such foolish emotion. Excuse me 'cause I'm unbeliever of romance. I don't have time for...pag-ibig po."

"Tatay Gerome," marahang tawag ni Nicco.

"Alam ko, Nicco. Paulit-ulit mo na lang sinasabi sa'kin na wala kang pakialam kung ano ang maiiwanan mo sa America para sa mag-ina mo. Nabibingi na ako eh. Ramdam ko namang mahal na mahal mo ang anak ko. Nagpapasalamat ako. Masaya ako. At isa lang ang kondisyon ko, huwag na huwag mong paiiyakin ang anak ko dahil sa ibang babae. Okay lang naman mag-away, umiyak, parte ng relasyon 'yon. Pero dahil sa ibang babae, Nicco...kung saan kita ni-rescue noon ay doon kita itatapon."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon