Chapter 11 - Island Date

1.3K 58 23
                                    

Thank you still for reading up to this chapter! Typos and grammar errors. 

__

MAINIT ang sinag ng araw at presko ang hampas ng hangin pagkadating nila sa pantalan. Nakahilera ang mga maliliit at naglalakihang mga yate na alam niyang mga pagmamay-ari ng mga mayayamang tao sa isla.

Naunang naglakad si Nicco, nakasunod sa kanya ang mga bata na halata ang pagkamangha dahil sa iba't-ibang klase ng yate na nakikita.

May sumalubong kay Nicco na isang security base sa unipormeng itim na suot nito at may earpiece sa teyngka. Sa maliit na bridge na kadugtong ng sementadong baywalk at isang malaking yate, nakahilera doon ang mga lalaking ganoon din ang uniporme.

"Who sent you?" dinig niyang tanong ni Nicco sa sumalubong. Nag-bow pa ag security.

"I'm Spencer, the head security of Mr. Toscano's presidential security group, Sir. We are tasked to guard you from here to the island."

"Here are my little friends. Kindly usher them inside the yacht. Thank you..." hawak ni Nicco sa mga balikat ng mga bata, pinapaharap kay Spencer. Agad naman na nagpahawak ang bata habang iginigaya ng lalaki ang mga ito paakyat ng yate.

"Are you now relieve?" tanong ni Nicco sa kanya ng makalapit siya rito. Nakatingin pa rin sa yate kung saan excited na tumungtong ang mga bata.

"What?"

"Are you relieve that we're safe and guarded? No people, just us."

"Are you sure these guards will not mention a word to the public?"

"They're Rocco's trusted men. If their employer's decree says that they should not mention even a word, then they will not do it. I will be fine, Chandra. Don't worry about it. We're here to make you relax and rest. That will be our focus, 'kay?"

"But..."

"This day isn't about me, it is about you. Just enjoy it, schatzi."

Tumango na siya. Hinawakan ni Nicco ang kamay at beywang niya para igiya papunta sa yate. Hinayaan niya ang lalaki. Gusto rin naman niya.

Sanay na siyang maglayag sa bawat isla rito sa Coron. Kailanman ay hindi siya nasanay sa ganda nito. Hanggang ngayon ay excited siyang makita ang pribadong isla na 'yon.

May alam siyang private island dito sa Coron pero nalalagpasan lang iyon ng mga bangka, at hindi talaga sila nakakadaong. Binubuksan ang isla na iyon tuwing weekends pero para lang sa may booking kaya lang timing din na hindi siya ang tour guide tuwing weekends, kung siya man ay wala sa guide niya ang mapunta sa isla na 'yon.

Hindi niya alam ang nagma-may ari ng isla maliban ngayon. Kay Sir Maric pala. Kung ganoon, sobrang yaman din pala ng pulis na 'yon.

Rich men flocked together ba talaga?

Sa upper deck naghihintay ang mga bata kung saan may mga couches doon. Nakahanda ang iba't-ibang snacks at fruit drinks.

"Whose the owner of this yacht?" hindi mapigilan niyang tanong nang makaupo katabi ng mga bata.

"Maric. I'm really thankful that he's accommodating me...us."

"Your friends look kind and loving. Whatever you want, they'll give it you."

"What do you want, kids? Specifically..."

"Okay na kami sa cookies, pizza at burgers, Kuya! Ang sarap pa ng juice!" Si Samuel na hindi na niya sinuway sa paglamon ng pizza.

Sobrang sarap tingnan 'non sa mga plates, iba't-ibang flavors at halatang dito sa yate niluto. Hindi lang basta order sa fast food.

Hindi na nakapagsalita si Bert at Loysa dahil puno na ang bibig ng pagkain. Gusto niya mang sawayin ang mga ito pero natutuwa naman si Nicco. Walang halong disgust sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon