Chapter 4 - Kiss

1.3K 61 16
                                    

Hi! Enjoy the update. Baka matatagalan na akong mag-update for the next chapters. Magiging busy po ako sa Business Research ko. Anyway, thank you for waiting! 🥰

__

PAGKABABA ni Chanina papuntang kusina ay bukas ang pinto sa likod. Humihikab siyang lumabas, kinakamot ang dalawang mata gamit ang likod ng kamay nang mamataan niya si Gina na bitbit ang dust pan habang nagwawalis naman ng mga tuyong dahon si Nicco.

Kailangan pa niya pang ibilog ang kanyang mga mata para makita kung totoo ba ang nakikita niya. Shit!

Hindi bagay kay Nicco ang magwalis. Diyos ko po! Wala talagang bagay kay Nicco sa lugar na ito. Kahit siguro pagtapak sa mabuhanging lupa ay hindi bagay. Iyong maputi at malinis nitong kamay ay hindi dapat humahawak ng maruruming kagamitan. He was rich. Damn rich! Makikinang na mga bagay ang nakasanayan nito.

Panigurado sa America ay todo alaga sa kalinisan itong si Nicco. May taga punas ng mesa, taga vacuum ng sahig, tagawalis ng bahay, tagapaypay, taga-luto, tagalaba, taga-abot ng tubig, tagahain ng pagkain. Kun baga, hihingi na lang ito saka lahat ng bagay ay ibibigay na lang kay Nicco. Kaya ano ang ginagawa nito sa walis tingting?!

At paano ito natutong magwalis?! Nakakapraning!

"Good morning!" agad siyang tumakbo papunta sa lalaki saka inagaw ang walis tingting. "Ako na! You don't need to walis the dried leaves! I can manage!"

Medyo tumitig pa si Nicco sa kanya, kumurap, tila ba ay gulat na gulat ito sa presensiya niya. Nang masiguro ng lalaki na hindi siya engkanto saka sumilay ang ngiti sa labi nito. A friendly ngiti.

"Good morning." Pero kahit gaano pa kaganda at nakakabighani ang ngiti ng lalaki ay hindi siya madadala. Binaliwala niya ito saka hinarap ang kapatid, naiinis.

"Gina! Anong pinapagawa mo kay Kuya Nicco mo?! Hindi mo ba nakikita, walang kalyo ang kamay nito," matigas niyang kinuha ang palad ng lalaki saka pinakita sa kapatid. "Pinapawalis mo pa!"

"Eh Ate! Siya naman nagpresenta na maglinis kami eh!" sigaw ng kapatid na nakasimangot.

"That's true, Chandra. I volunteered to clean the yard. And I've been doing that for three days. Kuya Gerome taught me how."

"Si Tatay talaga oh," kinamot niya ulo niya saka umiling-iling. "No. You sit there and I clean. Okay?--" nakapakurap siya nang inagaw ulit nang lalaki ang walis.

"Let me help, Chandra."

"No! Madudumihan ka! I mean, you'll get dirty."

Dahilan upang tumitig sa kanya ang lalaki, medyo wala na ang ngiti kanina. "I'm returning a favor, Chandra. Your family has taken care of me, give me foods, give me clothes, even a shelter. Just let me help..."

"Hindi naman kami nagpapabayad sa mga tulong namin," bumuntong-hininga siya sa wakas nang mariin na ang titig ng lalaki sa kanya. Nagje-jelly ace na naman ang mga tuhod niya. Rumurupok na naman ang mga ugat niya sa katawan.

Hindi makakapit ng maayos ah! Mga walang hiya!

"Fine!" hinayaan niya ito.

"Come here, Gina."

"Maligo ka na lang doon, Ate. Manghimalos ka. Di ba, magsisimba ka ngayon? Ma-le-late ka na sa second mass."

At doon siya napasapo sa kanyang mukha! Tangina! Hindi pa siya naghihimalos! Kaya pala gulat na gulat si Nicco kanina. Putcha naman, Chanina! Mukha talaga siguro siyang engkanto na nagmumuta!

Dahan-dahan niyang pinalandas ang mga daliri niya sa gilid ng kanyang mga mata. Punyeta talaga! Mayroon nga! Doon siya tumalikod at tumatakbo sa banyo nila sa likod ng bahay.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now