Chapter 31 - Fairytale

1.5K 69 22
                                    

Thank you for reading until this chapter. Sorry ulit sa sobrang late na update. Sobrang busy sa school at exams. Hehe Enjoy reading! Originally, Chapter 30 lang talaga 'to kaso parang sobrang taas na ng kabanata kung idadagdag ko 'to doon.  Epilogue next!

Unedited. Typos and grammatical errors. 

_

NAGBIGAY ng espasyo ng lobby ang management ng Costa Alegre para sa gagawin na prescon mamayang hapon. Nandito sila sa meeting hall ng mga empleyado ng Costa Alegre. It would be an unexpected prescon since maraming media ang nagsidatingan sa Alegre para makakuha ng latest scoop, ganyan naman talaga, ay pinaunlakan ni Mama Blanco ang mga ito. Sa totoo lang, hindi naman dapat umabot sa isang malakihang prescon, sapat na 'yong ilang tanong lang ng media at sasagutin naman niya. Siguro magiging big scoop dahil pinipilit ni Nicco na dapat nandoon ito habang tinatanong siya.

The press conference started at one in the afternoon. Sumisilaw na sa mukha niya ang mga camera at media na nagtipon sa harap ng mahabang table. She spotted different news media outlets showbiz reports, iyong iba ay kilala niya talaga dahil nakakasalamuha niya sa KDN, staff ng mga showbiz talk shows, at iba pang mga personalidad na kumukuha ng latest news. Mas lalo lamang nagkagulo ang mga ito nang makita si Nicco na nakasunod sa kanya.

Chanina waved and smiled at them. Lumingon siya kay Nicco na ganoon din ang ginawa dahilan kung bakit iyong mga babaeng reporters ay tila na-star struck dito. He looked dashing and charming with his smile and the handsome look that could make ladies swoon in an instant. Not a doubt.

And he would be her husband. The fairytale that would only happen in her dreams and at the same the one that would calm her nightmares. He would be hers forever, not because the look in the outside, but deeply because of his passion to love her and Seichi. To travel thousands of kilometers away just to pursue her. And she would willingly accept him because he did make her heart wild and crazy but at the same felt so home and at peace.

"Good afternoon po," pauna niyang bati sa mga ito.

"Good afternoon," si Nicco sabay upo sa upuan na katabi niya. Mama Blanco was on her left. Napagitaan siya ng dalawa.

"Ang lahat ang mabibigyan ng pagkakataon na makapagsabi ng kanyang katanungan. We'll cater ten questions dahil gusto namin na maging brief lang ang event na 'to. May mga gagawin pa kaming mga naunang appointments."

"Questions will be answered truthfully," she assured them. Hindi naman niya kailangan magpaliwanag o magbigay ng makatotohanang sagot gaya ng orientation at advice ng manager niya, pero kahit papaano, deserve ng mga taong tumatangkilik sa kanya na malaman ang totoo. Kung hindi dahil sa mga fans niya ay hindi naman siya mabibigyan ng magandang pangalan at break.

"Beezfeed muna," turo ni Mama Blanco sa isang reporter.

"Would like to ask lang po, what would be Sir Nicco's role why he's beside you." Narinig niya ang iritadong buntong-hininga ni Mama Blanco. Tama naman kasi. Ma-ko-curios talaga ang mga tao kung bakit nandito si Nicco na sa pagkakaalam ng lahat ay walang koneksyon sa kanya at sa buhay niya.

"He's here to support...me," she gently answered. Nakaani iyon ng bulong-bulungan galing sa lahat. Nicco's hand on the top of the table move towards her nearest hand and hold it like crazy.

"My point of view of your questions to her is important also."

Mas lumakas ang mga bulung-bulungan kaya nagtawag na si Mama Blanco ng susunod na reporter.

"Direct to the point po, totoo po ba iyong kumakalat sa social media na may anak po kayo? Kung toto man po 'yon, bakit hindi niyo po ipinakikila habang nasa VOTS po kayo."

"Hindi ko po alam kung saan at kung sino 'yong nagpakalat ng impormasyon na 'yon. For years, I have hide her from the chaos and joys of my career to protect her, but now I'll proudly say that I have a daughter. My fans deserve to know that and I hope they will understand my reasons of protecting my daughter."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon