Chapter 7 - Miss

1.2K 71 58
                                    

Sorry for the wait. Busy lang talaga ako. Hehe. Anyway, nabasa ko comments niyo, thank you so much. Hahaha

__

INAAYOS ni Chanina ang pinggan, kubyertos, wine glass, table napkin sa mahabang mesa kung saan gaganapin ngayon ang isang business conference. Makulay na ang function hall ng resort. Iyong staff ng resort ay nag-a-arrange ng mga gamit sa stage kung saan gaganapin ang presentation. Abala rin ang ibang mga interns gaya niya sa kabilang mga mesa. Iyong iba naman ay nag-a-arrange ng mga flowers as center pieces.

Iyong manager kung saan sila under ay nakatingin sa bawat galaw nila.

Pagkatapos sa function hall ay sa restaurant na ang tatlo sa kanila nagtungo kung saan talaga sila naka-assign. Maraming tao dahil nag-te-take ng breakfast ang mga mag-che-check out na rin. Sunday kahapon kaya expected na maraming tao talaga.

Nasa bartender counter ang manager ng restaurant na agad silang tatlong kinawayan para lumapit.

"Maraming check outs ngayon. Pwede muna bang magpatulong ang housekeeping sa inyo?"

"Yes, Ma'am. No problem po," nauna niyang sagot. Ganoon din ang sinabi ng dalawa niyang kasama. Si Charity at Kyla.

Kalaban ang turing ni Charity sa kanya dahil feeling nito ay nalalamangan niya ang bawat galaw nito. Graduating na nga sila, may competition pa ring naramdaman. Mabuti naman ang competition minsan kasi nagiging competitive at efficient ang isang tao kaso minsan parang sinasadya talaga ng mga ito na magalit sa kanya.

Si Kyla naman ay okay naman ang pakikitungo sa kanya. Hindi lang pala salita kaya hinahayaan niya na lang, pero nag-uusap naman sila minsan.

Dumaan sila sa lobby saka niya nakita ang pagtabi ni Kyla sa kanya. Ngumiti siya at ngumiti rin ito. "'Di ba, fan ka ni Nicco Alexanders, Chandra?"

Alinlangan siyang tumango pero nang mapatantong wala namang masama sa tanong nito ay tumango na siya. "Oo. Ang lungkot ng pagkakawala niya, 'di ba? Sana mahanap na siya?"

"Kaya nga eh. Ganito kasi 'yon. Bumili ako ng dalawang tickets para sa opening ng pelikula niya sa Wednesday. Gusto mo bang manuod? Ibibigay ko na sa'yo ang tickets. Wala rin kasi akong kasama eh."

Tangina. Oo nga pala! This Wednesday ipapalabas ang movie ni Nicco. Bakit niya ba nakalimutan? Nakalimutan niya dahil na rin kay Nicco!

"Iyong boyfriend mo? Iyong tagahatid sundo sa'yo?"

"May lakad daw siya eh. Bumili lang naman ako ng tickets para magka-bonding kami kahit pagkatapos ng internship hours natin. Wala na ring purpose ang pagbili ko."

"Eh bakit mo ibibigay sa akin lahat? Edi tayong dalawa ang manuod. Girl, kung may lakad ang jowa mo, edi spend time with yourself. Saka Marviels ang panunuorin natin. Hindi aksaya ng pera 'yon. Kahit hindi jowa mo kasama mo, mag-e-enjoy kang panuorin."

"Okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman. Ako pa ba ang may ganang aayaw. Nicco Alexanders na 'yan. Walang aayaw sa kanya. Saka wala talaga akong pambili ng movie tickets. Minsan sa Facebook na lang ako nanunuod kapag may available links na."

Iyong mga fangirl na kagaya niya, nag-i-illegal stream na lang talaga. Poor kasi.

Tumawa si Kyla. "Sold out iyong movie tickets, mabuti nga nakakuha pa ako. Dagdag popularity talaga 'yong pagkawala ni Nicco na hanggang ngayon ay wala pa ring usad ang investigation."

"Ako ang nasasaktan para sa kanya. Nagtratrabaho naman siya nang marangal pero may mga tao pa talagang may gana siyang saktan."

"Kung hindi lang naman creepy iyong insecure fiance ni Ava baka nandito pa rin si Nicco."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now