Chapter 27 - Ikaw Lang

1.4K 72 26
                                    

Very sorry for the late update. Ilang week na akong hindi nakapagsulat. Wala talagang lumalabas na ideas. Naging busy sa school works, maliit na negosyo, at namatay 'yong tiyahin ko kaya wala na talaga 'yong time managament. Hahaha. Hope you are still waiting for this. Thank you so much! 

Unedited. Typos and grammatical errors. 

__

PRESKO ang simoy ng hangin kahit dama niya ang init sa tanghali. The waters were calm beneath and they were above a floating nipa hut. Nagpasalamat si Nicco sa boatman. Si Seichi naman ay nakayuko nang pinagmamasdan ang mga corals at lumalangoy na isda sa ilalim, nakaluhod sa kawayang sahig.

"Chi, baka mahulog ka diyan. Come here," tawag niya sa anak na agad naman nitong sinunod.

"It's a simple lunch, but I hope you'll enjoy it."

Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang nakahandang pagkain sa mesang kawayan na nasa gitna. Iyong mga nakahiwang prutas ng mangga at pakwan ang una niyang napansin. Katakam-takam din ang isang malaking pritong isda na pinatungan ng orange sauce at iba't-iba pang gulay sa gilid. Sa kanilang designated na plato ay may mga nakalagay ng garlic butter steak. May isang wooden bowl din ng garlic rice at isang plain rice. May chicken fillet din sa ibabaw ng makapal na lettuce na pinalibutan ng slices ng lemon fruit. Isang bowl ng orzo salad.

Sa gilid ng mesa ay nakatayo ang isang bote ng red wine at isang pitcher ng yellow colored juice na panigurado ay gawa sa katas ng mangga.

"Mukhang masasarap lahat at lahat ng pagkain ay ini-enjoy ko. So yes, thank you for this," mahina niyang saad sa lalaki habang tinutulungan si Seichi na umupo sa silya.

Pang-apatan iyong mesa. Umupo na siya dahil excited na si Seichi na kumain. "I'm so hungry. I was playing for like forever while waiting for Daddy."

"With Chico?"

Tumango ang anak niya. Sa harap niyang silya umupo si Nicco, chuckling at his daughter's sentiment.

"You look fresh at bagong ligo. Very good at naligo ka pagkatapos maglaro."

"Pinaluguan ako ni Daddy."

Napatingin siya kay Nicco kahit agaw pansin ang paglalagay nito ng kanin sa pinggan ng anak. Then, he slowly sliced the steak on Seichi's plate.

"Akala ko ba ay hindi ka mabubuhay 'pag hindi ako nakikita, Chi, parang ngayon ay hindi naman," she teased.

"Of course not, Mommy. Daddy and I are making moments. Thank you, Daddy," she cutely said with a prolonged pronunciation of thank you.

"Bumabawi ako, Chandra. And I'm enjoying every moment with Seichi. And finally, kompleto na tayong tatlo na walang iisturbo. They will actually seek for us, but we need peace for our lunch."

Sumulyap siya sa malayong baybayin. Mga thirty meters ang layo ng floating cottage sa dalampasigan. Wala talagang makaka-istorbo sa kanilang mga chismosa or whatever. She could sigh with relief. Then, she stared at Nicco again who was making little whispers to Seichi. It was obvious that he was enjoying of being a father to Seichi. Pure happiness. Unconditional love. Fearless joy.

At gusto niyang sumama sa mga nararamdaman nitong saya.

"Magdasal muna tayo, baby." she said before Seichi put her spoon of food on her mouth. Nilapag nito ang kutsara. Then, put her palms together in a sign of prayer.

Chanina closed her eyes and uttered a simple thank you for the blessings received. Nang matapos ay natagpuan niyang nakatitig si Nicco sa kanya. Her heart jumped crazily in an instant.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon