Chapter 3- Piggyback

1.4K 61 28
                                    

Maraming salamat sa mga nag-aabang nito! 🥰

__

PARA kay Chanina, isang dream came true na ang makita si Nicco sa personal pero ang makasama ito sa hapagkainan ay isang biyaya na. Paniniwala iyon ng mga solid fan girl na katulad niya. Kahit na siguro mga bashers ni Nicco ay mapapaluhod sa lalaki kapag nakita ang maganda nitong awra.

So cliche to describe, but he was a living mythological god. He was tall and fair skin expected na iyon dahil half American, half British nga ang lalaki. Ang Mama nito ang British habang ang Papa nito ang siyang Amerikano. Iyong hinawakan siya kanina ng lalaki ay parang kay liit lang ng kamay niya kumpara sa malaki nitong palad. Maugat pa ang mga kamay nito na nakaka-turn on talagang tingnan.

"Chandra," halos mahulog siya sa upuan nang tawagin ng kanyang Tatay sabay sipa sa kanya sa ilalim ng mesa. "Kumain ka nang maayos diyan," pagalit nito.

Ngumuso siya saka sumubo. Na-miss niya ang tinolang isda ng Tatay niya na siyang ulam nila ngayong gabi at lumpia na pinadala ni Bernard kanina kasi alam nito na paborito iyon ni Gina. Nilagay sa plastic kaya hindi nabasa at ininit niya na lang. Ganoon pa man, umangat ulit ang tingin niya kay Nicco na dahan-dahan ang pagkain. Halata na kahit sa paghawak ng kutsara at tinidor ay mayaman ito.

Faded na ang suot nitong t-shirt ng Tatay niya na pinaresan nga ng maong shorts na panlalaki. Hindi bagay dito pero nagiging sexy sa paningin kapag ito na ang nagsuot. Mukha pa ring international model.

Kahit sa maliit nilang kahoy na mesa na pang-apatan ang laki ay hindi bagay ang lalaki. Hindi pinanganak na maging dukha itong si Nicco.

"Kumusta pala ang OJT mo, Chandra?" kailangan pa siyang sipain ulit ng Tatay niya dahil hindi siya nakikinig. Napatingin tuloy si Nicco sa kanya na masinsinan ang pagkain kahit halatang hindi nito gusto ang pagkain.

Iyan na naman, huwag sana siyang titigan dahil namumula siya agad.

"Okay naman, 'Tay. Tinulungan ko rin na magtinda si Lola ng mga bingka niya. May ibibigay ako sa inyo pagkatapos nating kumain."

"Sos, nandiyan ka naman. Ipunin mo na nga iyang pera mo. Para sa kinabukasan mo 'yan."

"Tulong ko na nga, Tay. Malapit na katapusan. Iyong kuryente at tubig saka allowance din nitong si Gina," gulo niya sa buhok ng kapatid. "Maliit lang pero keri naman."

"Alam mo, Chandra, iyang mga pera mo ay dapat iniipon mo. Nakakain naman kami nang maayos ni Gina saka masagana ang kuha ngayon ng isda. Tatlo lang namin kumakain dito kung aalis ka na. Hindi ganoon kalaki ang gastos." Tumingin siya kay Nicco saka nag-iwas agad ng tingin.

"Pero, Tay..."

"Pamasahe mo sa ferry ngayong sa Lunes. Allowance mo sa OJT. At maglaan ka nga para sa sarili mo. Saka magastos kapag naghahanap ka ng trabaho pagkatapos mong mag-aral ano."

Nag-iipon naman si Chanina. At saka hindi siya materialistic na tao kaso luma na nga ang mga damit niya. Halos wala na nga siyang panglakad na mga damit. Pero sa kagaya niyang alam ang halaga ng pera ay hindi na talaga niya naiisipan na bumili ng para sa sarili niya.

Saka pangarap din niyang magkaroon ng sariling gitara kaso hindi iyon ang kanyang priority.

"Iipunin ko na lang, Tay pero huwag kang magdalawang isip na humingi sa akin kapag kulang ang pambayad mo."

"Basta payo ko sa'yo, huwag kang masyadong magwawaldas ng pera mo sa mga hindi mahalaga. Sa edad mo iyon dapat may ipon ka na sa bangko para pagdating mo ng trenta ay marami kang pera, hindi mo na kailangang umasa sa magiging asawa mo. Ano nga tawag mo 'don, financially stable?" Marahan siyang tumango sa Tatay niya.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now