Chapter 14 - Ich Liebe Dich

1.2K 51 25
                                    

Thank you for still reading this! Unedited so beware of typos and grammatical errors.

Medyo SPG. Warning muna.
__

THE Black Island was free from tourists except the black uniformed men, scattering around. Obviously, mga tauhan ng kaibigan ni Nicco na nagbabantay rito. Maliban sa mga nakapaligid na mga bodyguards sa isla ay ang mapino at maputing buhangin ng isla.

Maaliwalas at presko ang maalat na hangin. She was fascinated by the blue sparkling and clear waters. Klaro ang famous na shipwreck na siyang nagpapa-engganyo sa mga turista na bumisita sa isla.

"Ang ganda," she commented cheerfully as she twirled her body to inspect the place.

"Let's go, I have prepared something," tumango siyang nakangiti kay Nicco nang hinawakan nito ang kanyang kamay. Hinila sa kung saan itong something nito.

Marahan siyang kumaway sa mga bodyguards na nadadaanan nila, yumuyuko kasi ang mga ito. Japanese slash Korean slash Chinese ba si Nicco? May pag-bow? Pero alam na alam niyang American-British si Nicco. Baka ganoon lang talaga ang mga ito. Eh iyong mga bodyguards noong una na nagbabantay sa kanila ay hindi naman nagba-bow.

"Here! Hope you'll like it," nawala siya sa kanyang mga katanungan nang huminto sila at marinig iyon galing kay Nicco.

Kumurap siya, hindi mapigilan ang gulat at pagka-amaze. A pink picnic blanket was scattered in the sand. Sa ibabaw niyon ay isang basket na puno ng prutas, imported brands of potato chips, two bottles of red wine and champagne glasses. Maayos na nakalagay sa isang biloging wood plate ang isang Hawaiian pizza. Sa isa pang plato ay mga Caprese sandwhiches and home made burgers. Katabi nito square food container ay lasagna. Sa ibang bahagi ay may isang bowl na puno ng Filipino finger foods.

A small circular and minimalist cake colored light pink with chocolate stripes caugh her attention. Nasa ibabaw nito ang message "Happy Birthday, Schatzi"

That schatzi word was an eanderment, she thought. Wala siyang lakas ng loob na e-translate in English dahil baka humandusay siya sa kilig. Hindi na niya kaya. Foreign man sa pandinig, but it sounded sweet and overwhelming.

Maliban sa napakaraming pagkain ay dalawang throw pillows din katabi ng isang gitara. Nakapalibot sa buhangin ay mga red and pink rose petals.

Nakanganga siyang tumingala kay Nicco na nasa tabi niya.

"You prepared this?" Gusto niyang maiyak. First time niyang pinag-effort-an ng ibang tao maliban sa pamilya niya. The great feeling was mighty and superior that she wanted to directly say to him the love confession.

Umubo ito, namula ang pisngi at teynga saka tumango.

"Those men have been helpful for this preparation. I hope you'll like it 'cause this is the only thing I know how to please a lady, Chandra."

Bigla niyang niyakap ang katawa ng lalaki, nanggigil.

"Ano ka ba? I love this. Sobra-sobra nga ito. I will always appreciate even a date in a cheap restaurant or in a street. It is not the extravagant things in the situation that can please a girl, it's the person who she is with that gives magic to the moment, Nic. Your presence is beyond enough even if we will only share a one piece of burger."

Maliban sa pamilya niya at kay Larena, wala na nga siyang maisip na ibang tao na gagawa nito sa kanya. Nakakatakot. Nicco was like this. He was perfect and knew how to let a girl feel valued and loved. Baka masanay siya ay hindi na siya makakita ng lalaki na panghabang-buhay dahil hahanap-hanapin na niya na lang ang presensiya nito sa bawat sitwasyon.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now