Chapter 25 - Sunset

1.2K 60 16
                                    

Sorry for late update. Ang hirap labanan ng mental block. 'Di ko matapos-tapos isang chapter. Hahah. Still unedited. 

__

"PAANO ka nakakahinga sa umaga at gabi sa pagsisinungaling mo sa'kin, Chandra?" sumbat ni Mama Blanco kay Chanina rito sa mesa kung saan ito may katawag kanina. Bakas sa mukha nito ang galit dahil sa pagtatago niya ng bagay na 'yon.

"Showbiz figure ako, mimi, kahit 'yon lang na importanteng bahagi ng buhay ko ay mananatiling pribado. Ayaw kong malaman ng ibang tao na may anak ako, hindi para sa akin, pero para kay Seichi. She's peaceful without my showbiz life meddling her."

Napa-face palm ang manager niya. Frustrated nitong hinilamos ang mukha.

"At sasabihin ko rin naman kasi, mimi. Naghihintay ako ng tamang timing, tamang panahon."

"At kailan ang tamang panahon na 'yon? Sa kahihintay mo, naisiwalat lang 'yon ng siyang lang. And there's Nicco Alexanders? Chandra, sinabi niya sa harap ko na liligawan ka niya? Ano ang aasahan mong maging reaksyon ko? Tatawa ako? It was more than shocking."

She sighed, closing her eyes. Nakita ba nito kung sino ang ama ng tinutukoy niyang anak? Hindi ba sinabi ng buo ni Alyson at Samu sa clinic?

"How shocking, mimi? Bakit? Para sa'yo ba, imposibleng mangyari 'yon? That a guy like him would never set his preferences to a person like me? Paanong shocking?" alam naman niya kung bakit 'shocking'? Pero gusto niyang malaman kahit iyong katiting na opinyon ng manager niya.

Her voice was cracking.

"Yeah. No one would think that it is possible. You and him. His life in Hollywood is big, one of the high paid actors there. You're great in your own way, pero kapag pinatabi kayong dalawa, no one would create ideas of romance between the two of you. However, the heart is the very weirdest things of all things, Chandra. I totally understand that love knows no standards, age, even genders. I'm happy for you if that guy makes you happy, you have my blessings," huminga ito. "Anyway, paano kayo nagkakilala?"

"Noong nawawala siya sa Palawan, kami ang tumulong sa kanya. Nakilala namin ang isa't-isa pati na ang pamilya ko. Naghiwalay lang nang pumunta si Ava Smith dito sa Pilipinas para kunin siya."

"At hindi pa ikaw 'yong Chandra na kilala ko ngayon."

"He's great and loveable." Her manager smiled. Yumuko naman siya dahil parang hindi yata nito na-realize kung sino ang ama ni Seichi. Everyone was connecting the pieces except Mama Blanco. "At siya ang ama ng anak ko, mimi."

"Okay..." uminom ito ng tubig saka dahan-dahang namilog ang mga mata nito. At bigla na lang lumabas sa bibig nito ang ininom na tubig. Nakatitig sa kanya ang gulat na gulat nitong mga mata.

"Mimi? Alyson!" agad-agad na tumakbo mula sa malayong mesa ang tatlo niyang kaibigan. Umuubo-ubo na ito habang siya ay tumayo na, hinahaplos ang likod nito. "Mimi?"

"Anong nangyari? Blanco..." niyugyog ito ng malakas ni Alyson.

"Ilayo mo muna si Chandra sa'kin dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa batang 'yan."

"Mimi..."

"Mag-usap tayo mamaya, Chandra. Sumunod ka 'don sa mag-ama mo."

And she did. Sumunod siya sa dalampasigan. Kung ano man ang sekreto niyang 'yon, hindi na dapat niya itong ipaliwanag sa iba even though her manager had done so many things for her. Hindi kasali sa kanyang utang na loob ang pagsiwalat ng mga pribado pero mahahalagang parte ng buhay niya.

She didn't want to explain these things to other people.

But well, sumali siya sa ganitong karera ng buhay, aasahan niya ang ganoon.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now