Chapter 9 -Love and Sick

1.1K 58 24
                                    

Sorry sa late update. Ang dami kong school activities at deadlines. Hahaha your reads and comments are highly appreciated. Thank you. Beware of typographical and grammatical errors. 

__

Warning: The following content contains sensitive topics. Please be guided accordingly. Read at your own risk.

SA HINDI pamilyar na kwarto gumising si Chanina. Nangangalay ang kanyang buong katawan. Parang ayaw niyang bumangon. May hapdi sa sensitibong parte ng kanyang katawan. Dama niya ang pamamasa ng kanyang mga mata. Bangungot ang nagpagising sa kanya. Sana panaginip lang talaga lahat ang nangyari kagabi.

Pero hindi. Lalo pa't nakita niyang pumasok ang babaeng hindi niya inaasahang makita. Si Cherry. Medyo naguluhan pa siya pero nang ngumiti ang babae ay hindi na siya nagtanong. May dala itong tasa na umuusok at platito ng may slice bread.

Mas problemado siya dahil sa nangyari kagabi. Kumusta na si Kuyang driver? Anong nangyari sa dalawang demonyo na 'yon? Pero hindi siya makapag-isip nang maayos kaya mamaya na niya proproblemahin.

Her body was burning. Masakit ang tiyan niya. Mabigat ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Sa takot nang maalala ang nangyari kagabi ay bumuhos ulit ang kanyang luha.

Naalala na naman niya si Ate Nora, ang memorya na pilit niyang kinakalimutan. Nora was harassed and raped by some customers sa pinagtratrabahuan nito noon. Nang magsumbong sa mga pulis ay hindi pinaniwalaan kahit ng pamilya nito. Nakakaawa ang pinsan niya noon, at isang teenager lamang siya na hindi alam ang gagawin sa sitwasyon. Ate Nora was depressed, hindi nakapag-focus sa huling taon nito sa high school.

Pati siya ay natatakot para sa kanyang pinsan noon. Wala itong natanggap na suporta galing sa pamilya at kahit sa mga awtoridad na dapat sana ay nagtatanggol sa mga naaapi. Iyong Tatay niya ang naglakas loob na magsampa ng kaso pero dahil sa kawalan ng ebidensiya ay hindi nga tinanggap. Doon nila nalaman na malalaking pangalan pala ang kalaban nila. Mga anak ng mga politiko sa buong bayan.

Iniyak na lang nila noon ang mabigat na problema, kahit si Chanina ay na-trauma na. Wala silang natakbuhan. Wasak na wasak si Ate Nora, physically, emotionally, mentally. Fourteen years old pa lang siya noon at siya na ang kaagapay ng pinsan niya sa mga hinanakit nito. Nandoon siya sa mga oras na kailangan nito nang kausap kahit siya ay natatakot na.

She wasn't given justice. Habang ang mga gagong rapists na mga iyon ay nagpapakarangya sa mga buhay nila, ang pinsan niya ay hindi nakayanan ang problema. Tumira si Ate Nora sa bahay nila ng ilang buwan dahil ayaw nitong kasama ang mga pamilya nitong wala namang pakialam sa kanyang pinsan.

Gustong lumaban ng Tatay niya para kay Ate Nora pero ang hirap pala kapag mahirap kapag katarungan na ang pinag-uusapan. Walang magtatanggol sa'yo kapag mga politiko na ang kinakalaban mo.

Hindi niya alam ang pinagdadaanan ng Tatay niya habang nasa presinto, nagpapaliwanag at nagmamakaawa na paniwalaan si Ate Nora. Dahil lang sa kawalan ng ebidensiya ay hindi na paniniwalaan. Hindi ba sapat ang trauma at sakit na naranasan ng pinsan niya para hindi paniwalaan.

Napagbantaan ang buhay ni Tatay. Hindi na pumapasok sa eskwela si Ate Nora. She was discriminated in school and by the society dahil naging topic iyong ng buong barangay. Bakit? Kasalanan ba ng nagahasa kung bakit siya nagahasa? Kailanman hindi kasalanan ng babae kung bakit siya nagahasa. Victims shouldn't be neglected, ridiculed. They should be given care, justice and respect.

Hindi na ito iisipin ni Chanina. Okay lang siya. Naniniwala siyang walang nangyari. Naniniwala siyang hindi siya pinagsamantalahan dahil hindi niya alam ang gagawin niya kapag nangyari iyon.

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang