Chapter 21 - Alegre

1.3K 63 38
                                    

Thank you for still reading! Paki-recommend kung may time kayo o kung gusto niyo. Lovelots! Unedited. 

SA CLARKSON ang tagpuan ng meeting ni Chanina sa umagang iyon. Nine o'clock ang oras ng meeting pero mas inagahan ni Chanina ang dating kaya pagkapasok niya sa Clarkson ay wala pa ang manager niya. Doon na rin siya kakain ng umagahan dahil dumiretso siya rito kaysa ang kumain sa bahay. Hate ni Mama Blanco ang late comer kaya maaga siyang gumising at nagbihis, sa pag-aakala na masta-stuck siya sa traffic. She hated the city traffic. Iyong pasensiya niya ang pinakamaikling bagay na mayroon siya.

May nakilala pa siyang mga waitress sa loob ng Clarkson, pero majority sa mga ito ay mga bago na ang mukha sa kanya. Hindi naman niya close talaga ang mga kasamahan noon, si Lou at Gracie lang na kapwa umalis na rin sa Clarkson nang umalis siya noon.

Nilapitan siya ng waitress para sa umorder. Habang naghihintay ay binasa niya ang softcopy ng contract na sinend ni Mama Blanco kaninang madaling araw. Malaking indorsement nga iyon. Hindi basta-bastang produkto lang ng mga mangga kundi pati yata ang Costa Alegre, isang resort sa loob ng Hacienda Alegre ang dapat niyang e-promote.

Sa mga catalog, brochures, at sa social media lang niya nakikita ang mukha ng Hacienda Alegre, pero alam ni Chanina kung gaano ito kalaki at kasikat. Mga taga-high class lang ang nakakapunta sa Alegre, ang rason kung bakit siya ang kinuhang indorser ng hacienda ay hindi niya alam.

Wala naman iyong problema, pero ito ang kauna-unahan niyang commercial na sobrang laki. Sobrang blessings ito. Medyo nagtataka lang siya kasi hindi pa naman matatag ang pangalan niya sa industriya kompara sa mga ten to twenty years na, pero bakit siya sa ang kinuha? Singer lang naman siya at hindi award wining actress. Hindi naman siya phenomenal. Hindi rin gaano kalaki ang fan base niya. She wasn't that influential.

Anyway, she wouldn't question the opportunity offered to her. If the marketing department of Hacienda Alegre trusted her, then she would do her best on this promotion.

The pages were long. Maliban sa minention na may kasama siya sa commercial ay ang mas nagpagulat sa kanya ang iyong halaga ng makukuha niya. Damn. So big. Hindi naman malaki ang binabayaran ng mga nagpapa-promote sa kanya pero this time, she couldn't believe it. She wasn't highly paid.

Hacienda Alegre's executives would risk millions of pesos to her in exchange of her presence and talent? She wasn't the most popular. Paano kung malulugi ang hacienda dahil sa kanya? Would they earn what they had---would be invested on her?

Medyo doubtful siya kaya nang matapos siyang kumain na sakto rin ang pagdating ni Mama Blanco ay 'yon ang sentiment na agad niyang sinabi rito.

"They have chosen you, Chandra. This is an opportunity. May tiwala sila sa'yo, and the offer favors you so much. Biyaya na hindi mo mahahawakan araw-araw. Baka ito na ang lucky charm mo, at sa susunod. Uulan na ang mga projects at indorsement offers mo. Don't be doubtful."

She actually sighed. Blessing ito, Chandra. Surely, you wouldn't want an opportunity to pass, right?

She smiled after seconds of contemplating. "I'll go for it."

Hindi rin naman siya ang makikinabang sa offer na ito, kundi pati na rin si Mama Blanco. She thought it might help him to have a break. Malaki ang utang na loob niya rito kaya isang paraan ng pasasalamat sa pag-aalaga sa kanya ay tatanggap ng malalaking proyekto gaya nito.

Siya lang yata talaga sa showbiz industry ang nagdadalawang isip na tanggapin ang napakalaking offer na ito. Para sa hindi pa gaanong sikat na gaya niya, sobra na sobra na ang oportunidad na 'to.

"I don't know kung sino na ang magiging kasama mo sa indorsement na 'to, but I think he or she is a big thing. Actually, you need not to be afraid, Chandra, you're popularity in social media will bring an impact to this project. You're a rising star. This will help you."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon