Chapter 1 - Dreaming

1.8K 71 17
                                    

Beware of typo and grammatical errors. 

__

CHANINA was taking up Bachelor of Science in Hospitality Management in a state university in Coron. Sa Puerto Princesa siya nag-aral ng dalawang taon pero lumipat noong nagka-isyu nga sila ni Victoria. Kahit maraming job opportunities sa Puerto ay doon siya naghanap sa Coron dahil mas malapit lang iyon sa municipalidad ng tinitirhan nila, sa Culion.

Taga-Coron island ang Lola niya kung saan siya tumitira ngayon kasama ang ilan niyang mga pinsan na nag-aaral din kagaya niya. Ang Lola niya ay sa side ng kanyang Mama, originally taga-Cebu ito pero nakapag-asawa ng taga-Palawan kaya dito na tumira. That explained the delicious bingka delicacy na kinababaliwan ng Mama ni Larena.

Ngayon ay nasa huling taon na siya ng kolehiyo, currently taking her on the job training period in one the few resorts and hotels in Coron Island. Naging tour guide ako sa isang umaga dahil sa sobrang dami ng guests dahil peak season kapag summer.

At hindi niya maiwasan na marinig ang pinag-uusapan ng mga tourists patungkol kay Nicco Alexanders. Hindi ang latest IG update nito na pinakita ni Larena three days ago kundi ibang topic.

"It is really confirmed now na nawawala si Nicco. He should arrive in Alegre daw for his friend engagement party but his friends only find his yacht in El Nido. The authorities are investigating about what happened. It was suspicious because all the crews died and the captain is missing."

Natigil siya sa pagsasalita sa isang British tourist dahil doon. Nawawala? Paanong nawawala?! May threat ba sa buhay nito? Pakulo ba ito para sa promotion ng bagong nitong movie? Nanlamig siya sa balita kahit hindi naman kumpirmado, kahit hindi pa niya narinig first hand ang balita.

Tinawag siya ng isang guest kaya nagpaliwanag agad siya patungkol sa Twin Lagoon. Hindi na niya masyadong dinig ang pinag-usapan ng dalawang babae dahil sa ingay ng makina ng bangka.

"I hope the authorities can find him in one of the islands here in Palawan. I'm so broken right now," mga solid fans ni Nicco ang dalawang babae.

"Even the American authorities are investigating about it with the request of his family. We'll pray for him."

Nanghina na siyang talaga. She couldn't concentrate. Gusto niyang makausap si Larena kung ano ang tungkol doon pero nasa trabaho pa siya. Sa sobrang pag-asam niya na matapos agad ang kanyang trabaho ay sobrang bagal naman ang pag-usad ng oras. Gabi na nang makauwi siya sa bahay ng kanyang Lola, at kahit hatinggabi ay inakyat niya ang bakod ng bahay nila Larena para makausap lang ang kaibigan.

"Larena..." katok niya sa bintana ng kaibigan. "Uy..." pasalamat siya at kilala siya ni Boggy, ang malaking aso ng mga Cuevas. Kung hindi baka lumalamon na si Boggy ng kanyang lamang loob. "Larena..." ulit niya nang hindi pa rin natinag ang tulog mantika na si Larena.

Wala siyang cellphone kaya hindi siya makakatanaw ng balita. Iyong laptop niya ay nasa repair shop naman. Ayaw naman niyang manuod ng TV sa bahay dahil tulog na ang Lola at mga pinsan niya.

"Larena! Ikakasal daw kayo ni Sir Solomon," tangina nitong kaibigan na ito. Kapag tulog mantika ito, iyon lang ang magic keyword para magising si Larena. At iyon na nga, umilaw ang buong kwarto ng kaibigan. Sunod nitong binuksan ang bintana nito.

"Tangina mo naman, Chanina. Ano ba kailangan mo? Lamang loob? Sanggol? Bakit ka naghahasik ng kaaswangan dito? Wala kang mapapala sa akin. Sa kapayatan ko, 'di ka mabubusog..." pinasok niya ang kanyang kamay sa loob at hinawakan ang balikat nito.

"Si Nicco. Gusto ko makita ang balita. Wala akong cellphone," naiiyak niyang saad.

"Gaga! Pwede namang bukas?"

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now