Chapter 5 -Leave

1.2K 74 29
                                    

Sorry for the waiting! Exams week namin at research works. 🥺

Unedited. Beware of grammatical and typo errors. 
__

SA pinalikod na pew silang umupong tatlo na malapit sa pinto ng simbahan para sa pagtatapos ng misa ay agad silang makakalabas. Fortunately, people weren't noticing their companion. Kung napapalingon man ang mga tao dahil iyon siguro sa aviators shade na minadali niyang binili kanina pagkadaan sa isang stall na nagtitinda sa harap ng simbahan.

Hindi naman nagreklamo si Nicco dahil alam nito ang panganib. He understood what was happening to him though some his memories were lost. Maybe he was thinking at night of those people who wanted to hurt him. Nasasaktan ito pero hindi niya magawang e-open ang topic kasi baka ma-trigger na naman ang head injury nito.

Pagkatapos ng misa ay agad niyang hinakawan si Nicco para makalabas na sila ng una, hawak naman ng lalaki ang kanyang kapatid.

"Dadaan muna tayo sa merkado, ha. Kukunin natin 'yong pera kay Aling Linda. I mean, we will go first at the wet market."

Medyo tumango naman si Nicco na nakatingin sa paligid. Marami pa ring paparating na tao, papasok ng simbahan dahil binyagan ang susunod sa misa. Tumabi sila para makatawid na sa kabilang kalsada.

"I thought, I can freely have a vacation in a beautiful place like this. This is why I don't like to be an actor, a popular one," buntong-hininga nito.

Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga, hila pa rin ang lalaki para mabilis sila makahanap ng lugar na walang masyadong tao.

"You can actually wander the streets without worrying your reputation. But as you can see, you are here right now because of an accident. An accident that trends worldwide because you're a Hollywood superstar. Authorities are searching for you, finding you. I can tell you the news about what had happened but your injury is sensitive. We don't have proper doctor to check up on you. Some people wanted to hurt you even wanted you dead. Some are just accusing you..." bulong niya sa huli.

"Accusing me?"

"Of killing your crews and captain on board of your yacht."

Bigla na lang silang natigil dahil tumigil si Nicco. He actually chuckled, pero nakakunot ang noo sa pagtataka.

"My crews? So I am cruising the ocean with my yacht."

Marahan ang pagtango niya. "You're fond of cruising. Your fans know your hobbies including that. But I don't believe the accusations. They are your long time friends, whenever you want to wander to the ocean, they are there for you. I'm so sorry for their demise."

"Oh God, no..."

Pumikit siya saka pinagalitan ang sarili. Hinaplos niya ang braso ng lalaki. "Can we talk about it when we arrive home? Kasi..." lumingon siya sa paligid.

"Can we contact Levi or Rocco? I hope there will be a way how."

Sa huli ay tumango siya. Bakit naman kasi hindi niya mapigilan ang sarili. "But I will be the one to message them. Your accounts aren't safe. Maybe, the killers are tracking them or what. Nag-iingat lang ako."

"Thank you."

Pagkarating nila sa merkado kinuha agad nila ang bayad sa mga huling isda ng Tatay Gerome niya kanina. Si Aling Linda ang kumukuha ng isda ng kanyang tatay saka ibebenta sa merkado.

Pagkaabot ng matanda ng isang libo at limang daan ay nagpasalamat siya. Isang ngiti ng matanda sa kasama niya ay alam na niya ang iniisip nito. "Hindi ko siya jowa, Aling Linda."

"Hindi pa. Akalain mo nga naman, Chandra, sa kano talaga gumagana ang alindog mo. Mas maganda 'yan, inday, huwag kang mamili ng mga tambay. Iyong si Charmie, sa walang trabaho talaga pumatol. Mabuti iyang si Gerome hindi mo binibigyan ng sakit sa ulo."

Chaste Fairytale (Hacienda Alegre Series #3)Where stories live. Discover now