2•7 - Midnight Snacks

723 60 8
                                    

7 - Midnight Snacks



"Hoy, tangina n'yo, maawa naman kayo kay Tate! Siya na nga lang ang gumagawa ng research paper natin, kayo pa 'tong umuubos ng mga pagkain!"



"Tate, gusto mo ba ng pancit canton?"



"Tate, coffee?"



"Parang gusto ko ng fries."



"Kumain ng naaayon sa ambag, Trina."



"Magda-drivethru ako, may iba pa ba kayong gusto?"



"Pucha, iba talaga 'pag boyfriend na. Vito, gusto ko ng ice cream."



"Bumili ka."



"Trina, gusto mo rin ng ice cream, 'di ba?"



"Gusto naman niyan lahat."



"Gusto raw ni Tate ng Jolliwater."



"Gago, Tate, kinakana ka ni Niall oh. Tanggalin mo nga ang pangalan diyan."



"Huy gago, 'wag! Ikukuha na kita ng tubig, Tate. I-permanent marker mo pangalan ko diyan ah!"



"Tanga, eh ipi-print 'yon."



"You shall not bear false witness against your neighbor."



There were ten seconds of silence after the voice said the eighth commandment. It was the longest ten seconds of my life. I kept my eyes on Brix, not knowing what's gonna happen next.



And, God, did I breathe the deepest sigh of relief when the voice yelled another "boo!"



So, we're done, right?



"That's pretty anti-climactic." The voice sounded disappointed again. After they killed Samuel? What, do they consider his death boring? Unsatisfying? Not enough?



We heard nothing more from the voice. Wala pa ni isa sa'min ang gumagalaw nang biglang yumanig ulit ang sahig. Nagkatinginan kami.



Sa paglingon ko sa direksyon ni Sync, napansin kong para bang lumiliit ang distansiya sa pagitan niya at ng timer na hindi na umiilaw. Tinignan ko ang inaapakan niya at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong gumagalaw nga ang pader at maitutulak kaming lahat. "Sync!"



It was like he read everything from my terrified face, Sync quickly turned around. He was surprised to see that the wall that used to be about two meters away from where he stood is now less than a meter near him. He stepped back, until he started running towards us.



"Brix!" I called. He was also running towards us. Kahit na halata pa rin ang pagkainis sa mukha niya, tinulungan niya akong itayo si Dahlia. Sakto rin na nakarating si Sync kung nasaan kami. Pare-pareho kaming tumakbo palabas ng pinto na hindi na namin naisara nang lumapat doon ang pader na mula sa kabilang dulo ng silid.



Napakurap-kurap ako. Lahat ba sa Scarper House gumagalaw? Lahat ba ng parte ng bahay na 'to, idinisensyo para patayin kami?



"What now?" Hinihingal pa si Brix nang magtanong siya. Napalingon kami ni Sync sa kaniya at sa isa't isa. Hindi rin namin alam ang sagot. Hindi namin alam kung ano na ba ang dapat gawin, kung ano na ba ang mangyayari.



Nilingon ko ang paligid at mabilis na napakunot ang noo ko. "T-This isn't where we came in before, right?" tanong ko habang pilit na tinatanaw ang dulo ng hallway na kinatatayuan namin. Para bang walang katapusan. Pati sa kabila, mahabang hallway lang ang nakikita ko. Hindi ang lobby ng bahay kung saan kami pumasok kanina.



Scarper HouseWhere stories live. Discover now