3•10 - Goodbye

321 29 9
                                    

10 - Goodbye



"I need two teams."



Nagkatinginan lang ulit kaming apat dahil sa sinabi ng hindi namin kilalang boses. Walang kumikibo sa 'min hanggang sa tumango sina Tyler at Jero sa isa't isa.



"Tig-isa kami. Para sigurado," sabi ni Jero.



Hinawakan kaagad ni Tyler ang kamay ko. "Sa 'kin ka."



"O-Okay..."



Ganoong kabilis lang kaming nakabuo ng dalawang grupo. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Maglalaban-laban ba kami? Kaya kong isakripisyo ang sarili ko para mabuhay sina Gia at Jero pero ayaw ko namang madamay si Tyler.



Nakakainis na sa lahat ng nangyayari, isa lang ang sigurado—na pagkatapos ng gagawin naming 'to, may mamamatay nanaman sa 'min.



Ayoko na.



Pero wala naman akong magagawa.



Dalawang pinto ang bumukas sa magkabilang gilid ng lobby ng bahay.



"I want each team to enter a door. Don't worry, same lang ang nasa loob."



Hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga pintong 'yon. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Kung ano man ang nasa loob ng mga kwartong 'yon, magkakahiwalay kami na haharapin 'yon. Pa'no kung may mangyari kina Gia at Jero?



"Kali." Naramdaman ko ang kamay ni Gia sa likod ko. Paglingon ko sa kaniya, yumakap kaagad siya sa 'kin. Mahigpit. Sobrang higpit. Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan sa mga puwedeng mangyari.



Tulad ng palagi naming ginagawa, yumakap din sa 'min sina Tyler at Jero. Mahigpit din. May kung ano sa yakap na 'yon na pumipigil sa 'kin na bumitaw.



Para bang huli na 'yon.



"Get in," parang naiinip nang sabi ng boses.



Doon lang kami humiwalay sa isa't isa. At pare-pareho kaming mangiyak-ngiyak.



"Come on, don't be shy,"



Magkakahawak kamay kaming apat na naglakad papalapit sa mga pinto. At halos ayaw ko nang bitawan si Gia noong kailangan na naming pumasok.



"Kitakits mamayang uwian," nakangiting sabi niya.



Tumulo ang mga luha ko. Tumango ako. "Sabay-sabay tayong uuwi."



Tulad ng mga naunang pinto, mabilis ding nagsarado ang nasa likuran namin ni Tyler noong makapasok kami. Ganoong kabilis din kaming natigilan nang makita namin ang nag-iisang bagay sa nag-iisang lamesa na nasa kwartong 'yon.



Isang baril.



Iniisip ba nilang magpapatayan kami?



"Gusto kita, Kali."



Nagpa-panic na ang lahat sa sistema ko nang bigla 'yong sinabi ni Tyler. Napaawang ang mga labi ko. "H-Huh?"



"Matagal na."



Napatulala ako sa kaniya—sa maamong mukha niya na malayong-malayo sa kung paano siya i-describe ng ibang tao. Habang nakatingin ako sa kaniya, para bang nag-flashback sa utak ko ang lahat, mula sa unang araw namin sa kindergarten at ang lahat ng pinagdaanan namin nang magkasama. "Bakit... bakit ngayon mo lang sinasabi 'yan?"



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon