3•7 - Child's Play

307 20 2
                                    

7 - Child's Play



"Lumabas na tayo rito," sabi ni Maco nang kumalma na kaming lahat. Malungkot pa rin, nagdadalamhati pa rin, tahimik pa rin, pero wala nang umiiyak.



Inalalayan ako ni Gia na tumayo at hinawakan kaagad ni Tyler ang isang kamay ko. Lumabas nga kami sa kwartong 'yon at hindi ko na alam kung pang-ilang beses na kaming natigilan. I already lost count.



But none of us spoke. Para bang sinanay lang namin ang mga mata namin sa panibagong itsura ng paligid, pero hindi na kami nagulat na iba nanaman ang itsura ng hallway paglabas namin. Hindi na 'yon 'yong papunta sa living area ng kwarto na mukhang isang malaking bahay. Isang plain na pader lang ang nasa harapan namin, at parang wala pang limang metro ang taas. Kitang-kita namin ang dulo.



Naglakad kami papunta sa pinakagilid ng pader kung saan may paliko na pader lang din ang patutunguhan. Nilapitan namin 'yon, may paliko ulit. Hindi nauubos ang pader, hindi nauubos ang daan.



"Maze ba 'to?" tanong ni Yoel.



"Yes!"



Sobrang bilis ng naging paglingon naming lahat nang marinig ang hindi pamilyar na boses sa likuran namin. Mula sa taas ng pader na nasa gilid namin, may tumalon papunta sa harapan namin.



"Wanna play?"



"Manika nanaman?" rinig kong bulong ni Tyler.



Manika nanaman nga. Kilala ko rin dahil siya ang original na kinatatakutang manika ng lahat. Mukha lang siyang batang nakasuot ng denim overalls, kung hindi lang sa orange niyang buhok at sa mukha niyang para bang pinagsasaksak dahil sa dami ng tahi.



Tumawa siya at biglang naglabas ng kutsilyo mula sa likuran niya.



"Takbo!"



Wala kaming choice. Hindi kami tumitigil hanggat may malilikuan kami.



"Sino?!" sigaw ni Gia habang tumatakbo pa rin kami. "Sino sa inyo?!"



"Sino'ng takot kay Chucky?!" tanong din ni Jero. Napalingon ako sa manikang humahabol sa 'min at tumatawa pa siya na para bang laro lang ang lahat. Nakataas pa rin ang kamay niyang hawak ang kutsilyong nakahandang sumaksak sa isa sa 'min.



"Ako!"



Napalingon ako sa nasa pinakaunahan namin. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pagsigaw niya na tumakbo kami.



Nakatingin pa rin ako sa kaniya dahil siya ang sinusundan namin nang biglang may humila sa 'kin para pumunta sa kabilang daan, nahila ko rin si Tyler. Sa amin din sumunod sina Jero at Gia.



"Yoel?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang sumesenyas pa siya na tumahimik kami. Sakto rin na dumaan sa kinaroroonan namin si Chucky at, tulad ng inaasahan, nilagpasan niya lang kami.



Si Maco lang ang takot. Si Maco lang ang hinahabol niya.



"Siya lang ang ta-target-in n'on!" sabi ni Yoel nang masigurong nakalayo na ang manikang may dalang kutsilyo.



Sa totoo lang, hindi ako nagalit nang sapakin siya ni Tyler.



"Gago ka, tangina mo!" galit na sabi ni Tyler sa kaniya. "Magtago ka diyang lintik ka! Hindi kami katulad mong duwag!"



Kahit pa hinihingal pa rin ako, sumabay ako kay Tyler nang hilahin niya ako palabas sa pinagtataguan namin, kung saan kami hinila ni Yoel. Inilahad ko ang kabilang kamay ko at kinapitan si Gia na nakahawak din sa kamay ni Jero. Magkakahawak-kamay kaming apat na tumakbo sa direksyong alam naming pinuntahan ni Maco.



Takbo lang kami nang takbo hanggang sa makarating kami sa isang kanto na may dalawang daanan. Isa sa kanan, isa sa kaliwa.



"Sa'n tayo?" tanong ni Gia.



Wala pang nakakasagot nang umalingawngaw ang malakas at halatang nasasaktang sigaw ni Maco. Nagkatinginan kaming apat at mabilis na tumakbo sa kaliwa.



"Tulong! Tulong!" paulit-ulit na sigaw ni Maco sa pagitan ng mga palahaw niya.



Ilang ulit akong kumurap-kurap habang tumatakbo pa rin kami. Para kasing nararamdaman ko rin ang sakit, sa sigaw niya pa lang.



"Maco!" halos sabay-sabay na sigaw namin nang makita namin siyang nakahiga sa sahig at duguan. Nakatayo sa ibabaw niya ang manika na paulit-ulit siyang sinasaksak.



"Oh, you're here," kaswal lang na sabi ng manika nang saglit na lumingon sa 'min.



"Tulong..." nahihirapang sabi ni Maco dahilan para ibalik ng manika ang tingin sa kaniya.



Lalo akong kinabahan nang yumuko ang manika para mas lumapit sa kaniya. "You have your mother's eye—"



I was dumbfounded.



We were all dumbfounded.



Tyler just kicked the doll so hard, it flew away to the other side of the wall.



What?



"Tangina mo, tanong-tanong ka kung sa'n kami takot, manika lang pala makakapagpatumba sa 'yo," sabi niya habang nakababa ang tingin kay Maco.



Kahit pa duguan at hirap na hirap, napangisi si Maco. Napapailing na napangiti rin ako. Rinig kong nakahinga rin nang maluwag sina Gia at Jero habang pare-pareho kaming nakatingin kay Maco.



Iniangat niya ang kamay para abutin ang kamay ni Tyler na aalalay sa kaniyang tumayo, nang bigla na lang may bakal na tumagos sa mata niya, mula sa sahig.



I froze.



We all froze.



Bumagsak ang kamay ni Maco bago pa man maabot ang kamay ni Tyler.



;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon