You can never run away

1.2K 69 15
                                    

You can never run away



"I'll be back before you know it," Sync said for the nth time since he picked me up this morning, until we arrived here at the airport. Well, for the nth time today, my face still screams a worried expression, as if begging him to just stay.



It's only been a week since we got out of that reunion in Scarper House. Everything's still a mess. I know I've always been a mess but what happened in that reunion turned me into something way worse.



Kung dati ay nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi, ngayon naman hindi na talaga ako nakakatulog. Kahit saan ako magpunta, kahit na ano pa ang gawin ko, naririnig ko ang mga boses nila. Nilang mga nalunod limang taon na ang nakakaraan. At nilang mga nakaligtas mula sa paglubog ng barko para mamatay sa mas karumal-dumal na paraan pagkalipas ng limang taon.



Kung dati, mga alaala lang ng lumubog na cruise ship ang pumapasok sa utak ko sa tuwing nakakakita ako ng tubig, ngayon ay naaalala ko na rin si Trina at ang bugbog at walang buhay niyang katawan. Tuwing makakaramdam ako ng lamig, naaalala ko si Faith at kung paano siya nanigas hanggang sa mawalan siya ng buhay. Tuwing nakakakita ako ng lubid, naaalala ko si Tate, kung paano siya mismong nabigti habang nakatingin sa mga mata ko. Tuwing magsasaksak ako sa socket, naaalala ko si Niall at kung paano siyang nakuryente at namatay ng gano'n gano'n na lang. Tuwing nakakakita ako ng halaman, naaalala ko si Vito at kung paano niya ako pinatakbo, kung paano ko siya iniwan para iligtas ang buhay ko. Tuwing nakakakita ako ng apoy, naaalala ko si Samuel at kung paano siyang natusta nang buhay dahil sa kasalanan na hindi naman sa kaniya. Tuwing kumakain ako, hindi ko alam kung nakakakain pa ba talaga ako, dahil naaalala ko si Brix at ang matandang lalaking 'yon.



Sa bawat hininga ko, naaalala ko si Dahlia. Dahil ang buhay na mayro'n ako ngayon, dapat ay kaniya. Kailan mo ako sisingilin, Dahli?



"Aayusin ko lang ang lahat and, I promise, pagbalik ko, hindi na ako aalis ulit," paniniguro pa ni Sync saka niya ako niyakap.  Mula nang lumabas kami sa gate ng Scarper House, at sa buong isang linggo na lumipas, kahit isang beses ay hindi niya ako iniwan. Nandoon siya sa tuwing pinipilit kong matulog. Nandoon siya sa bawat pagmulat ko dahil hindi ako makatulog.



"You don't have to talk to the police if they come again. You don't have to remember that day again just to answer their questions, when they're so inclined not to believe us in the first place," habilin niya pa at tumango lang ako. "I'll handle everything when I come back."



We both experienced that day but he's been keeping me company like I'm the only one traumatized. I'm thankful though. And now that he's leaving for the first time, I am really scared.



"Mag-iingat ka," I said. I'm scared but I don't wanna hold him back.



"Will you be fine?"



"I've spent five years alone, Sync," biro ko pa. I'm scared, but I won't tell him. "I'll be alright."



He sighed. "You can call me anytime."



"I will."



Pinilit kong ngumiti habang kumakaway sa kaniya. The moment he turned his back and disappeared from my sight, I felt the weight of the world again. Now, I'm alone again.



Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas nang may mahagip na pamilyar na mukha ang mga mata ko. Lumingon ako pero mukhang nagkamali lang ako. Siguro dahil sa dami ng tao. Siguro dahil sa dami ng iniisip ko.



Pero hindi ko alam kung bakit parang lumubog ang puso ko. Kinakabahan ako.



I'm not dismissing the possibility that I'm just overthinking things, but just to be sure, I turned around and went towards the waiting area. There are monitors there, and a huges glass window where I could see the planes that just took off.



Tinignan ko ang wristwatch ko at alam kong ano mang oras ay aalis na ang eroplanong sinasakyan ni Sync. Kinumpirma ko 'yon sa mga monitors, at tumitig na ako sa glass window.



Para akong batang unti-unting napangiti nang makita ang eroplanong mababa pa ang lipad. Hindi pa buo ang ngiting 'yon nang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog.



Nag-crack ang glass window na natamaan ng debris ng eroplano. Nagkagulo ang mga tao. Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa mababang parte ng kalangitan kung saan sumabog ang eroplanong sinasakyan ni Sync, at kung saan makikita ngayon ang makapal na usok na malamang ay doon galing.



I must be really overthinking things, because the first thought that crossed my mind was Scarper House.



"Ma'am! Ma'am!" One of the airport's personnel approached me. "We are asking everyone to exit the premises. Delikado po rito ngayon."



He didn't have to say it again. He didn't have to drag me out.



May iba nang gagawa no'n.



I didn't even have the chance to see the face of the personnel because while turning to look at him, I caught a glimpse of the familiar guy I saw earlier. Hindi pala ako namalikmata lang. Nandito pala talaga siya.



"Hello, Ms. Euna," he greeted me while smiling. He's still as cute as how I saw him last week. And that scar at the end of his right eyebrow really does make him look cooler. "We missed you."



"T-Theo..."



"Scarper House would like to have you back."









;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon