3•2 - Start

333 27 7
                                    

2 - Start



Theo closed the door behind me before I could even move. The sound of the heavy rain outside suddenly disappeared. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig. Dapat pala talaga, kinuha ko ang jacket ko.



"Tao po?" sinubukan kong tumawag. Hindi ko gusto na mag-isa lang ako habang hindi ako pamilyar sa kinaroroonan ko. "Tyler? Gia? Jero?"



Halos mabingi ako sa katahimikan. Walang sumasagot.



Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung nandito ba talaga ang mga kaibigan ko. Wala akong ideya kung ito ba talaga ang bahay ni Sir Emiliano.



At napakadilim.



Humakbang ako at nangilabot sa tunog na ginawa ng sahig. Hindi pa ako nakakabawi nang may maramdaman akong bumuga ng malamig na hangin sa batok ko. Mabilis akong lumingon pero wala akong makita na kahit ano.



Paatras akong humakbang, dahan-dahan, hanggang sa napasigaw ako.



Akala ko kung ano na ang nabangga ko, railings lang pala ng hagdan. Pinilit kong aninagin ang taas pero sobrang dilim talaga. Aakyat ba ako?



Nag-iisip pa ako noong may tumulong nang magdesisyon sa 'kin.



Kumidlat.



Sandaling lumiwanag ang paligid.



Kitang-kita ko ang babaeng nakatayo sa itaas ng hagdan. Nakasuot siya ng mahabang puting bestida. At kahit pa nakaharang ang mahabang buhok niya sa mukha niya, alam kong nakatingin siya sa 'kin.



Nangilabot ako at dahan-dahang napaatras kasabay ng kulog. Wala akong naririnig na iba kaya hindi ko alam kung nasaan na siya.



Pero kumidlat ulit.



Nasa harapan ko na siya.



Iyon ang pinakamalakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko. At ang unang beses na tumakbo ako nang sobrang bilis.



Nakakadagdag sa takot ko ang maya't-mayang pagdagundong ng langit, pero nakakatulong ang kidlat para makita ko ang dinadaanan ko.



Lumiko ako sa pinakaunang hallway na nakita ko at halos matumba noong biglang nandoon na 'yong babae. "H-How—"



I screamed again when she went towards me. It didn't look like she was running or walking. It seemed to me like she was just gliding on the floor. Or was she floating?



What the fudge?



Tumakbo ako ulit. Hindi ko naisip na ganito kalaki ang bahay. Parang hindi nauubos ang hallways, maya't maya akong may nadadaanang pinto. Sinubukan kong magbukas ng isang kwarto.



And she was there too.



"Tulong!" naisigaw ko bago ako ulit tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi naman ako pamilyar sa bahay. Lalong hindi ko alam kung saan ako puwedeng pumunta na hindi siya biglang lilitaw.



Wait.



Multo ba siya?



Lalo akong kinilabutan dahil sa naisip ko. Pero napatigil ako sa pagtakbo noong may pumatak na kung ano sa gilid ng noo ko. Kinapa ko 'yon at tinignan. Nanlaki ang mga mata ko noong kumidlat ulit at nakita kong kulay pula iyon.



It was blood.



Napapalunok akong tumingala sa kisame.



At nanghina ang mga tuhod ko nang makita 'yong babae sa mismong tapat ko, nakatayo sa kisame.



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon