You can never run away

451 27 9
                                    

You can never run away



I woke up.



I'm inside my room. On my bed. In the same clothes.



Was that just a dream?



All of those horror. All those blood. All of what's inside what we thought was Sir Emiliano's house, did we really experience them?



Did I experience them?



Nakasama ko ba talaga ang mga kaibigan ko sa loob ng Scarper House?



Nawala ba talaga silang lahat sa 'kin, sa loob ng Scarper House?



Ilang araw na ang lumipas matapos ang araw na 'yon, at heto nanaman ako, bumabalik sa pagdadasal na sana, hindi 'yon totoo.



Pero isang sugat na nakuha ko mula sa bubog ng nabasag na drum ang nagpaalala sa 'kin na totoo ang lahat. Hindi 'yon panaginip.



Namatay silang lahat.



Wala na sina Joaquin, Maco, Yoel, at Herbert.



Wala na rin sina Jing at Wynn.



Wala na rin si Jero.



Wala na si Tyler.



Umiiyak nanaman ako nang makatanggap ako ng magkakasunod na chat mula kay Gia.



Gia
Kali?
Okay ka na ba?
Wag ka muna magisip
Kung gusto mo madistract
magbasa ka muna sa wattpad



I did as what Gia said. Dati niya pa nire-recommend sa 'kin na magbasa ng fiction o light novels para lang daw malibang ako nang hindi ko kinakailangang mag-isip, pero hindi ko siya pinagbibigyan dahil ayaw ko nang mga bagay na kukuha ng oras ko na nakalaan para sa pag-aaral. Noon.



Ngayon, papatulan ko ang lahat ng puwedeng pumigil sa 'kin na maalala ang gabing 'yon. Ang lahat ng nangyari. Ang lahat ng nawala. At siya.



Hindi ko pa kaya.



Hindi ako masiyadong mahilig sa romance kaya nag-settle ako sa isang escape room themed story. May tatlong installments na ang kuwento, at nakuha ang attention ko n'ong pangatlo dahil sa title.



Detention.



Doon nagsimula ang lahat. 'Yon ang dahilan kaya nawala silang lahat.



Para akong nawala sa sarili dahil sa mga pumasok sa isip ko dahil sa salitang 'yon, na-scroll ko pala nang na-scroll 'yong kuwento hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo. Nabalik lang ako sa reyalidad nang may mahagip ang mga mata ko na isang pamilyar na sentence na naka-bold and italicized.



I felt chills down my spine as I read the text: You can never run away.



Then from the screen of my cellphone, it was like my eyes were being pulled to the door.



I didn't wanna look at first. Mga salita lang 'to sa screen ng cellphone ko na isinulat ng isang author. Hindi 'to totoo.



But I couldn't help it. Parang dapat talaga tumingin ako sa pinto. Nagbabasa lang ako rito sa Wattpad, pero what if...



What if there's something outside?



What is there's someone outside?



With my phone still in my now shaking hands, I finally looked at the door.



Then there were three knocks.







;

Scarper HouseWhere stories live. Discover now