Chapter 1

10.4K 327 5
                                    

A/N: grammatical and typos ALERT!!!

Chapter 01 : TBSP

Aeriz's POV

WOOOHHH! First day Hell day!

I Aeriz Jade Gozon, 17 years old.

Naglalakad ako ngayon papasok sa Gzon International School which is pagmamay-ari namin.

Pumunta muna ako sa bulletin board para tingnan ang section ko.

Gozon, Aeriz Jade-------Black Section

Black section? Meron ba nun?

Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang building at section ko ng may limang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko.

Pinasadahan ko ang itsura nila. Polong hindi naka-butones at. . .dugyot.

“Saan section mo, miss?” tanong no'ng isa

“Black section.” walang emosyong sagot ko

Agad namang nagbago ang emosyon nila pero agad din ngumiti ng matamis.

“Kaklase ka namin. Sabay na tayo.” aya ng isa

Tumango na lang ako at naglakad na kasama sila.

“Ano nga pa lang pangalan mo?” tanong ng isa sa kanila

“Aeriz.” sagot ko naman

“Ako si Ryle.”

“I'm Aldrin.”

“Jason.”

“I'm Mark.”

“James.”

Naglakad kami papunta sa building pero napansin ko lang na palayo kami nang palayo at napupunta sa masukal na bahagi ng school. Malayo na rin 'to sa ibang building.

“Teka bakit parang ang layo naman 'ata?” tanong ko at huminto sa paglalakad

Tumigil din sa paglalakad ang mga lalaking nasa harapan ko at humarap sila sa'kin nang may ngisi sa labi.

Tangina.

“Relax, Aeriz.” sabi ni Ryle at hinaplos ang pisngi ko

Hinawakan nila Jason at Mark ang magkabilang braso ko kaya hindi ako makapalag nang sinimulang halikan ni Ryle ang leeg ko.

Ramdam ko ang paglapat ng kamay niya sa hita ko dahilan para magwala ako at mabitawan nila ko.

“Palaban p're.” nakangising sabi ni Aldrin

“'Yan ang type ko.” sabi naman ni James

Type ka ba?

Sinubukang lumapit sa'kin si Ryle pero malakas ko siyang sinipa sa dibdib kaya tumalsik siya.

“Ang lakas kingina!” sigaw ni James at sumugod sa'kin

Nagpakawala siya ng isang suntok agad naman akong umiwas at sinikmuraan siya.

May biglang dumagok sa'kin kaya napaabante ako at nagkaroon ng tyansa si Ryle na sikmuraan ako.

Damn it!

“Arrrghhhh!” sigaw ko bago ko siya sipain sa mukha

Sunod sunod na silang sumugod kaya naman suntok sipa ang ginawa ko.

Kita ko ang pag-amba ng suntok ni Mark sa'kin. Expected kong matatamaan ako pero may kamay na pumigil doon.

Bumungad sa'kin ang lalaking hindi rin nakaayos ng uniform pero hindi siya mukhang dugyot gaya nitong lima.

“Need help miss?” nakangiting tanong niya

“If you insist.” sabi ko at sinipa sa sikmura si Jason

Narinig ko ang mahinang magtawa nitong isa kaya napatingin ako sa kaniya.

“Okay. I insist.” nakangiting sabi niya bago sikmuraan si Mark

Pinagtulungan na namin ang lima hanggang sa hindi na sila makatayo.

Napaupo na lang ako sa ilalim ng isang puno at napapikit.

“Kapag hindi ka pa tumayo riyan, paniguradong mali-late ka.” isang tinig ng lalaki

Nagmulat ako at tumayo tsaka pinagpag ang uniform dahil may kaunting buhangin at damo doon.

Napatingin ako sa lalaking tinulungan ako kanina. Ngumiti siya sa'kin na para bang matagal na kaming magkakilala.

“Black section ka 'di ba?” nakangiting tanong niya

“Oo.”

“Sabay ka na sa'kin. Black section din ako.” aya niya bago sinimulang maglakad

Sasabay ba ko o hindi?

Napansin niya sigurong hindi ako sumunod sa kaniya kaya napatigil siya at ngumiti.

“Don't worry I'm not like them. Mag fo-four years na ako sa black section.” sabi niya

“Siguraduhin mo lang na wala kang balak sa'kin. Puputulan talaga kita ng kaligayahan.” pagbabanta ko agad naman niyang tinakpan ng kamay ang sa may bandang zipper ng pantalon niya

Na-gets niya pala sinabi ko.

“I'm Clyden, you are?” nakangiting pagpapakilala niya at inilahad pa ang kamay

Tinanggap ko naman iyon at nagpakilala sa kaniya since mukha naman siyang mabait.

“Aeriz.”

___________________________________________
___________________________________________

Hope you enjoy it!

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now