Chapter 60

3.9K 212 24
                                    

A/N: errors alert

Chapter 60 : TBSP

Kiro's POV

“Saan ba punta natin?”

Huy, Riz. Pansinin mo kami. Lagi na lang 'yang anak ni Kev pinapansin mo.”

Sinamaan ni Riz ng tingin yung dalawa at dinuro.

“Kapag kayo hindi nanahimik isasalaksak ko sa inyo 'tong pacifier na nginangatngat ng bata.” paninindak niya

Lahat kami'ng nandito sa sasakyan ni Grae ay naririndi na dahil sa ingay ng dalawang isip bata at umiiyak na rin yung baby.

“Malayo pa ba? Gutom na 'ata siya.” sabi ni Riz kay Grae na ngayon ay nagdadrive

“Dito ba?”

“Oo, dito nga.”

Tumigil kami sa isang malaking gate at kitang kita ang mansyon na nasa loob nun dahil na rin sa ilaw sa paligid.

Dumating na rin ang sinasakyan ng iba, dahil may sasakyan naman sila ay nag convoy na lang kami.

Woahh. . .”

Laki ah.”

“Mas malaki pa sa ano mo?”

“Bobo! Mas malaki pa 'to sa iyo!”

“Halatang mayaman.”

Pulube ka lang talaga!”

Napailing na lang kami sa mga sinasabi ng kasama namin. Karamihan naman sa'min ay malalaki rin ang bahay pero kung makaasta ay akala mo pinanganak ng mahirap.

Tch!

Hawak hawak ang baby na lumapit si Riz sa may speaker at pinindot iyon.

[Sino po sila?] Tanong ng katulong 'ata sa loob

“Si Jade 'to. At sabihin mo sa amo mo, kapag hindi pa siya lumabas sa loob ng sampong segundo, papasabugin ko condo niya pati na rin 'tong mansyon niya.” may halong pagbabanta ang boses ni Riz

Parang sanay na siya'ng ganun makipag usap sa mga kakila niya. Mas nagiging misteryosa si Riz sa mata ko kapag nakikita ko iba't ibang side niya.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang gate.

Automatic huh?

Nauna na si Riz maglakad papasok na parang siya ang may ari ng lugar. Sinalubong naman kami ng isang babae'ng sopistikada.

Simpleng sweater, short at slipper lang ang suot niya pero nagiging pang mayaman 'yon dahil sa tindig ng babae.

“Hey there, Jadey.” bati niya kay Riz nang makalapit sa'min

Ang hinhin ng boses niya. Parang Chea.

Dahil si Riz naman ay pang siga kung magsalita pati na rin kumilos.

“Oh? A baby?” gulat na tanong nung babae kay Riz

“Alangan namang manika.” sarkastikong sabi naman ni Riz sa kaniya

Natawa ang babae at aktong kukuhanin ang bata mula kay Riz pero napatingin siya sa'min.

“Kaklase ko.” pakilala ni Riz sa'min

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now