Chapter 74

3.6K 207 49
                                    

A/N: tsaran! sorry mahalll ngayon lang. I've been very busy these days. personal life, babies. medyo maikli ito babawi na talagaa ako promise marami lang ako inaasikaso ngayon e, loveyouuu enjoy reading!

Chapter 74 : TBSP

Aeriz's POV

Nakapalibot kami'ng lahat sa apoy na ginawa nila rito sa rooftop.

Lahat. Maski yung tatlong sperm na medyo nahimasmasan na matapos kong dagukan.

Inom inom pa kasi napakahina naman pala. Sa susunod talaga ipupukpok ko sa kanila ang bote ng alak na ininom nila.

"Ah! Alam ko na!" biglang sigaw ni Nate at nagtatakbo papalapit sa bag niya at may hinalungkat do'n "Tsaran!" ipinakita niya sa amin ang tatlong balot ng marshmallow mula sa bag niya

Ready'ng ready talaga ang batang 'to.

"Nate, wala tayo sa camping." nakangiwing sabi ni Clyden sa kaniya

"Pero di'ba OT tayo rito?" inosenteng sabi naman ng bata

OT?

"Anong OT sinasabi mo, Nate? Baka O-N kasi overnight." pagtatama ni Chard sa kaniya

"Ha? 'Di ba dapat overtime? Kasi OT." singit ni Mac

"Overthink iyon e." bulong naman ni Klein

Ayan na. Nagsisilabasan na nga ang mga tanga.

"Hindi pa ba tapos iyan?!" pasigaw na tanong ni Daryl kay Drake na ngayon ay nagiihaw ng barbeque at hotdogs

Tinalo pa namin ang nag night swimming jusko mga sperm talaga sila!

"Ulol manahimik ka! Wala ka na ngang ginagawa riyan e!" sigaw pabalik ni Drake

"Tanga! Ako kaya ang nag akyat niya'ng ihawan!"

"Gago matagal na itong nandito sa rooftop!"

"Ay tangina. Ganun ba?"

"Fuck you!"

Matatawa na sana kami kaso biglang sumigaw yung dalawang bata na "Harder, please!" sabay na sigaw nila Nate at Mac tsaka sila nagtawanan na dalawa

Gago.

Dali dali akong lumapit sa dalawang bata na nagiihaw ng marshmallow na nasa stick at sinapok sila.

"Ouchy!"

"Arouch!"

Sabay na daing nila bago nakangusong humarap sa'kin.

Paawa effect pa amputa.

"Ano bang harder please harder please ang sinasabi niyo? Sino namang nagturo sa inyo niyan?" kunot noong tanong ko

Inosente ang mga 'to kaya naman imposibleng alam nila ang bagay na iyon depende na lang kung may nag turo. Sa buong black section ay maraming maaaring mag turo rito sa dalawang inosente. Yung utak kasi ng iba natutunaw na lang sa impyerno.

Mukha 'atang pinaglihi sila kay satanas.

Sabay na dumuro ang inosente sa pwesto ng mga sperm dahilan para salubong ang kilay na sinundan ko iyon ng tingin.

Kay Kev! Ang sperm na manyak kahit may anak na!

"Hehe." nagaalinlangan na ngumiti siya sa akin bago dali daling nagtago sa likod ni Aj na hinihilot ang sentido

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now