Chapter 18

4.5K 238 8
                                    

A/N: errors alert!

Chapter 18 : TBSP

Aeriz's POV

“Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!” nageecho sa sala ang galit na boses ni mama

“Wala akong ginagawang masama.” seryosong sabi ko sa kaniya

Bored na nanonood lang si Aeros sa amin ng nanay niyang kamukha ni Valak. Sila tita at tito naman ay wala pa rito dahil may inaasikaso sila sa Gzon Hospital. Si Ranzel naman ay nasa business trip daw malay ko kung saan at wala akong pakialam. Si kuya ay pilit na pinapakalma si mama.

“Wala?! Ipinapahiya mo kami!” sigaw na naman niya

“Hah! Pano kayo mapapahiya e hindi naman nila alam na nagkaroon ka ng anak sa labas? Ganoon naman 'di ba?” hindi kona napigilan ang sarili ko na sabihin iyon

Kita ko namang nadaan na gulat sa mata niya pero napalitan din ng galit. Si kuya ay sinesenyasan akong manahimik na lang.

“Oo at isa kang kahihiyan!” galit na sigaw niya sa'kin narinig ko ang mahinang tawa ni Aeros napayuko naman ako pero hindi ko magawang umiyak “Oh ano? Ba't wala kang masabi ngayon? Alam mo, sana hindi na lang kita ipinanganak! Sana pinalaglag na lang kit----”

*PAK!*

“Ma!”

“T-tita. . .”

Nagulat na lang kami bigla ng sumulpot si tita at sinampal si mama! Nakayukom ang kamao ni tita at galit na galit habang nakatingin kay mama. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

“How dare you?!” 'yan kaagad ang sigaw ni tita kay mama na masama ang tingin sa kaniya Iniintindi ko lahat ng sakit na salitang binibitawan mo kay Aeriz, dahil alam kong nasaktan ka! Pero iyong sinabi mo kanina hinding-hindi ko mapalalampas 'yon! Sumusobra ka na, Alliana Jeane Gozon!” galit na sigaw ni tita sa kaniya

Napasinghap naman si mama at namamanghang tumitig kay tita. At ang laban na 'to ngayon ay sa pagitan ng magkambal na hindi magkasundo-sundo.

“Wow! Nakakatouch ka naman, Leigh Ann! Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo alam ang hirap na dinanas ko mula nang dumating ang babaeng 'yan!” sigaw ni mama kay tita at dinuro ako

Ewan. . .but I don't feel anything right now. Masyado na sigurong masakit yung mga naranasan ko kaya pakiramdam ko sanay nako.

Walang emosyon ko lang silang tinignan bago ako tumalikod sa kanila at umakyat papunta sa kwarto ko gusto ko sanang pumasok kaagad pero nakita ko naman sa gilid ng pinto si Aeros.

Pano napunta 'to rito? Kanina lang nakiki-isosyo pa siya sa away namin ng ina niya.

“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya tumunghay naman siya sa'kin

“Iwan mo ang black section.” seryosong sabi niya at namulsa bago umayos ng tayo

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now