Chapter 41

4.1K 226 34
                                    

A/N: errors alert

Chapter 41 : TBSP

Aeriz's POV

“What?!” inis na tanong ni Grae kay Aj

“Bakit naman ngayon lang nila sinabi?” bakas din ang pagkainis sa itsura ni Kiro

Sino ba namang hindi maiinis e late na kami sabihan na magkakaron ng school fest at may mga kung ano anong katangahan ang gagawin.

“Parang bago kayo ng bago? Kailan ba tayo naging importante sa kanila?” sarkastikong sabi ni Aj “Next week na ang school fest, kasali tayo sa mga ginawa nila'ng contest.”

“Anong contest 'yon?” takang tanong ko

“Masyadong maarte ang student's council kaya maraming contest ang ginawa nila. May singing, dancing, pageant, marami pa'ng kaartihan.” sarkastikong sagot ni Klein

“Oh, E bakit namomroblema kayo?” tanong ko ulit

Nagbibiro kaba? Kakaunti lang tayo at hindi naman magawang magseryoso ng iba.” sabi ni Grae na punong puno ng sarkasmo

“Edi pagsabihan. Naturingan ka'ng class president tas hindi mo magawang pagsabihan kinasasakupan mo.” sarkastikong sabi ko rin

Sino ba siya sa tingin niya? Mukha'ng tanga.

Nakita ko ang pag angat ng labi niya bago lumapit sa'kin “Bakit? Kung pagsasabihan ko ba sila, sasali ka sa pageant?”

Pageant?!

“H-Hoy! Anong pageant pinagsasabi mo?!”

Mas lumawak ang ngisi niya kaya naman medyo napatulala ako sa kaniya.

Bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na 'to jusmiyo.

“Oo nga!” biglang sigaw ni Kev na nasa tabi ko kaya napaigtad ako “Kung ikaw ang sasali sa pageant, posibleng manalo tayo!”

“Bakit hindi ikaw ang sumali? Malay mo suportahan ka ng napakarami mo'ng syota.” nakangiwing sabi ko

“Hindi pwede. Baka magkagulo kapag rumampa ako.” may pagkalanding sabi niya at nag flip hair pa

Kala mo naman kina-ganda niya.

“Okay. Si Riz ang sasali sa pageant.”

Bumagsak ang panga ko sa sinabing yun ni Aj.

Tangina! Seryoso ba siya?!

“Gago! Anong ako?! Bakit ako?! Tarantado gusto niyo ba'ng mapahiya ako?! Hindi ako marunong!” inis na sigaw ko

Lahat sila napatulala bago malakas na tumawa pati si Aj at Grae na madalas seryoso nakitawa rin.

Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako. Napakasama nila, sana malock ang panga nila.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now