Chapter 6

5.2K 244 7
                                    

A/N: errors ALERT!!!!!

Chapter 06 : TBSP

Aeriz's POV

Hating gabi na ng magising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko.

Hindi manlang nila ako ginising para kumain.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at dahan-dahang pinihit ang doorknob.

Patay na ang ilaw sa mga kwarto kaya dahan dahan akong bumaba sa hagdan na parang magnanakaw. . .ng pagkain.

Patay ang ilaw pero medyo maliwanag pa rin dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana.

Hindi ko na binuksan ang ilaw. Dumeretso na lang ako sa ref at tinignan ang laman.

May cake!

Kumuha na rin ako ng chuckie na nakatabi sa ref at agad iyong nilantakan.

“Hey.”

“Ay palakang impakto!” napatalon ako sa gulat ng may magsalita

Narinig ko pang tumawa si Aeros dahil muntik na kong atakihin sa puso.

“Ba't ka ba nanggugulat?!” inis na sigaw ko

“What? I'm not.” pagtanggi niya at agad na pumunta sa ref bago kumuha ng ice cream “Umiyak ka ba?” tanong nito agad akong napaiwas

“Bakit naman ako iiyak?” lakas loob kong tanong

“I don't know. . .maybe. . .envious.”

Envious?! Inggit?! Ako?! Ulol!

“At saang imbornal mo napulot 'yan?” taas kilay na tanong ko

“Yung imbornal na nagngangalang. . .Aeriz Jade.” nakangising sagot niya

Napaka ganda ng pangalan ko tapos ipapangalan niya lang sa imbornal?!

“Ba't hindi mo isama yung pangalang. . . Alliana Lee-Gozon at Ranzel Gozon?” agad dumilim ang mukha ng kapatid kong mukhang lupa

Damay mo na rin pangalan mo tutal pare-parehas namang mababaho ang pangalan niyo pati ugali.

“'Wag na 'wag mong idadamay ang mga magulang ko.

Magulang ko...

Iyong-iyo na saksak mo sa ngala-ngala mo.

Inirapan ko na lang siya at umakyat na sa kwarto. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame.

*Flashback*

Bitawan mo 'yan, baby.” sabi ni kuya Aeros at ipinagpag ang palad ko na may hawak kaninang bato

“Pero wala na po akong lalaruin, kuya.” nakangusong sabi ko

Natawa naman siya at ginulo ang bangs ko.

“Sa susunod ipapakilala kita sa mga kaibigan ko para may kalaro ka.”

Agad naman akong nagtatatalon habang pumapalakpak.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now