Chapter 3

6.2K 280 7
                                    

A/N: grammatical and typo errors ALERT!!!!!

Chapter 03 : TBSP

Aeriz's POV

"LET'S continue our topic tommorow." sabi ni ma'am bago lumabas sa room dahil lunch time na

Inayos ko na ang gamit ko bago tumayo nang may lumapit naman sa'kin. Kasing-tangkad ko lang siya pero mukha siyang bata. O sadyang mas bata sa akin ng kaunti.

"Hi! I'm Nathan Morales. Pero pwede mo ako tawaging Nate, kasi 'yon iyong tawag nila sa'kin dito." pakilala niya

Kahit boses niya mapaghahalataang isip bata. Masyado kasing energetic at kung hindi lang ako nag iisip nang ayos ay iisipin kong bakla 'to.

"I'm Aeriz."

"P-Pwede humingi bang favor?" nahihiyang tanong niya

"Basta ba hindi ka mangungutang." nakangiting sabi ko

Natawa naman siya na halos hindi na makahinga. Para bang nakarinig siya ng napakagandang biro kahit ang totoo ay hindi naman ako nagbibiro.

Ang babaw ng kaligayahan ng isang 'to.

"Pwede bang ibili mo ako ng lunch sa cafeteria?" tanong niya

Iyon lang pala.

"Akin na pera." sabi ko at pumalad

"Libre mo."

Aba gago 'to.

"Eh kung palunukin kita ng upuan?" maangas na tanong ko sa kaniya

"Sadista ka naman! Eto na." sabi niya sabay abot ng pera

Inambahan ko pa siya ng sapok kaya agad siyang napaatras at napanguso.

Lumabas na ako para pumunta sa cafeteria. Nakasalubong ko pa yung Vaughn, na nakakasagutan ko kanina bago ako makarating sa cafeteria.

Disaster ang inabutan ko sa cafeteria. Joke! Madami lang talagang tao.

Napabuntong hininga ako nang makita ang mahabang pila. Inilibot ko muna ang paningin ko pero tumama iyon sa lalaking walang emosyong nakatitig sa'kin pero nang mahuli ko siya ay agad niya akong inirapan.

Bwisit kang Aeros ka.

Si Aeros Jeisz Gozon. Ang kapatid ko na hindi ako kino-consider bilang kapatid.

Pareho lang naman kami kaya kwits.

“Pre, chicks oh.”

“Taga-black section 'yan eh.”

“Ang swerte talaga ng mga black section 'no? Palaging magagandang babae ang napupunta sa kanila.”

“Mga gago naman.”

“Oh god girls! New face of the year na ba yarn?!”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now