Chapter 82

3.7K 183 41
                                    

a/n: haleeerr! sorry for the errors! enjoy reading! love you.

Chapter 82 : TBSP

Aeriz's POV

“Gusto naming pakasalan mo si Kiro, kapalit ng pagkakalago ng kompanya niyo.”

Nagtatakang napatitig ko sa mga magulang ni Kiro. Kaagad na bumaling ako kay Kiro, ultimong siya ay nabigla rin sa sinabi ng nanay niya.

“Seryoso ka ba?” nakangiwing tanong ko sa nanay ni Kiro

“Yes. Iyon ang napagkasunduan namin ng parents mo, dear.”

Ano? Putangina.

Tumingin ako kay Kiro, na nakatulala na sa kawalan halatang malalim ang iniisip.

“Pasensya na ah, pero gusto kong magkalinawan tayo.” itinuro ko sila tita “Hindi sila ang parents ko.”

Nagulat ang mga magulang ni Kiro, sa ipinagtapat ko. Nakita ko rin ang pag aalala sa mukha ni Kiro, nang sabihin ko iyon.

“Pardon?” kalmadong tanong ng ama ni Kiro

“Si Alliana Gozon ang nanay ko.” seryosong sabi ko sa kaniya kahit punong puno ng sama ng loob ang pagkakasabi ko no'n

Hindi naman kasi siya nagpakananay sa'kin.

“And your father is Ranzel Gozon?”

Alam kong nawalan ng emosyon ang mukha ko sa tanong ng ina ni Kiro.

“I am not a Gozon.”

“Riz.” sabay sa suway nila tito at tita sa akin pero hindi ko sila pinagtuonan ng pansin, nanatili lang ang titig ko sa mga magulang ni Kiro

“Kung ganoon, sino ka?”

Bangungot mo.

Matapang kong sinalubong ang tingin ng ama ni Kiro, tsaka siya nginisian bago sumagot.

“Ako si Aeriz Jade.”

Gustong gusto kong binabanggit ang pangalan ko sa mga tao, dahil nakikita ko sa mata nila ang emosyong pinakagusto ko. Kinakabahan.

---

Patawarin mo kami, Riz. Balak naman naming sabihin sa iyo at hingiin muna ang permiso mo kaso nag set na ng dinner ang mama mo sa parents ni Kiro.” punong puno ng pagsisisi ang mukha ni tita habang sinasabi iyon

Kahit na hingin nila ang permiso ko ay hindi ko iyon basta basta ibibigay! Mag-kaibigan kami ni Kiro, putangina naman!

Hindi na natapos ang dinner dinner na iyon dahil nabwisit na ako nang biglang tanungin kung sino ang ama ko. Aba malay ko, hindi ko nga alam kung may tatay ba ako o wala.

“Mama? Matagal-tagal ko nang kinalimutang may ina ako, pasensya hindi ko kasi naramdamang meron pala.” sarkastikong sabi ko

“Riz, pasensya na talaga pero mukhang desindido ang mga magulang ni Kiro na ipakasal kayo ng anak niya.” sabi naman ni tito

“Wala akong alam riyan, hindi ako pumayag.” matigas na sabi ko

“Pero pumayag ang mama mo, Riz.” mahinahong sabi ni tita

“Edi siya ang magpakasal do'n, pala-desisyon siya masyado.”

“Riz. . .”

“How was the dinner?” biglang pumasok si mama sa living room

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now