Chapter 84

3.6K 164 27
                                    

A/N: charan!

Chapter 84 : TBSP

Aj's POV

“Someone is inside my penthouse.”

Sobrang bilis nang pagdadrive ko papunta sa penthouse ni Kiro. 11 pm na siguro noong tumawag siya sa akin at sinabing may tao sa penthouse niya.

I even heard a loud noises background kaya mas lalo akong nag alala sa kaniya at sinabing manatili na lang siya kung nasaan siya dahil pupuntahan ko siya.

Ayaw kong tawagan ngayon si Grae, dahil may sarili rin siyang kinakaharap na problema ngayon dahil sa walang kwenta niyang ama.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng building kung nasaan ang penthouse ni Kiro.

Tangina ang taas pa naman ng building na 'to!

Tsaka hindi rin maririnig kung sakaling magkabarilan dahil sa katangahan ay pina-sound proof ni Kiro ang buong penthouse niya.

Pagka-pasok na pagka-pasok ko pa lang ay isang magulong penthouse na ang sumalubong sa akin.

Basag ang mga furniture at parang dinaanan ng bagyo ang buong penthouse niya.

Pinulot ko ang baseball bat na nakakalat lang. Mukhang binitawan ito kanina pagkatapos gamitin.

“Kiro. . .?”

Mabilis akong napalingon nang may makarinig na bumagsak sa isang kwarto. Nakaawang iyon at patuloy na bumubukas.

Kaagad kong iniamba ang hawak kong baseball bat ngunit bumungad sa'kin ang pinagpapawisang itsura ni Kiro.

Malakas akong napabuga ng hangin bago pabagsak na binitawan ang hawak ko.

“What the fck happened?” nagtatakang tanong ko sa kaniya

Lumabas siya ng kwarto at pabagsak na naupo sa sofa inihilig niya ang batok sa sandalan.

“I don't know. . .bigla na lang may pumasok at. . .tinutukan ako ng baril.” hinihingal niya pang sabi

“What did they say?”

“Nag iisa lang siya, Aj.”

Wha. . . What the fck?!

“You're just kidding me right?” hindi naniniwalang tanong ko pero seryoso ang mata niyang sinalubong ang paningin ko

“Isang tao lang ang sumugod dito. He or she almost kill me.”

“He or she?”

“Hindi ko siya gaanong napansin sa sobrang bilis ng galaw niya! Bago sa paningin ko ang ganoong kabilis na galaw, Aj! Isang beses ko lang siya nasapak at hindi na naulit iyon, parang pinagbigyan niya lang ako na makasapak sa kaniya.” namamangha pang sabi ni Kiro “Si Zach ang taong pinakamabilis at pinakamagaling makipaglaban na kilala ko, ang isang sumugod dito. . .hindi ko kilala iyon.”

“May sinabi ba siya sa'yo?”

“Meron.”

“Ano?”

“Stay away from her.”

---

“HER?! Sinong her?” nagtatakang tanong ni Clyden nang papuntahin namin sila rito sa penthouse ni Kiro, kinabukasan.

“I don't know.” walang ganang sagot ni Kiro

“Baka naman mayroon kang nilalandi at iyon ang syota niya? Nako naman, Akiro! Kalalaki mong tao ang landi landi mo!” iiling-iling na sabi ni Kev

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now