Chapter 79

3.6K 203 73
                                    

a/n: iloveyouuu! enjoy reading, babies! mwa.

Chapter 79 : TBSP

Aeriz's POV

Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko rito sa bahay.

Mula kagabi hanggang paggising ko ay parang aligaga na sila kung kumilos lalo na kapag nakikita ako.

Mula kay Lucifer, Tito at Tita. Iyong dalawang mag asawa na magulang ni Lucifer ay wala namang pakialam kagaya lang nang dati. Si Kuya naman nasa ibang bansa para sa isang business meeting.

Buti pa siya palipad-lipad lang sa ibang bansa, samantalang ako nabubulok na rito sa pinas hindi pa rin nakakarating sa ibang bansa.

“Riz, n-nandiyan ka pala.” pakunwari pang natawa si tita na para bang ngayon niya lang ako napansin samantala' kanina pa naman nagsasalubong ang tingin namin pero kaagad din siyang umiiwas

“Wala kayong pasok ngayon sa ospital?” takang tanong ko nang makitang nakapambahay lang sila

“H-Ha? Ano ka ba naman, Riz. Sunday ngayon, rest day.” bahagya pang tumawa si tita

Rest day kasi sunday? Anong pakulo 'to? Sa pagkakatanda ko mas gusto nilang tumulong sa mga tao kaysa manatili rito sa bahay.

May mali talaga e.

“May pupuntahan ka ba?” tanong ni tita sa akin mukhang napansin na nakapantalon ako

“Opo. Makikipagkita lang ako kila Sam at Ivy.” sagot ko

“Hindi ka na ba sasabay sa amin para kumain, Riz?” tanong naman ni tito

“Hindi na po.”

Nakita kong bahagyang lumapit si Lucifer, sa pwesto namin. Nakahawak pa siya sa batok niya, parang nahihiya.

“Do you. . .uhh. . . .need a ride?” napakurap kurap pa ako sa tanong nito

“Oo nga tama! Magpahatid ka na kay Aeros, para makatipid ka sa pamasahe.” tuwang tuwa na sabi ni tita dahil malamang ay umaasa siyang magkakaayos na kami ni Lucifer

Gusto kong magkaayos kami, pero hindi pa ngayon. Hindi pa pwede.

“Hindi na. May pera naman ako pamasahe.” seryosong sabi ko at bahagya pang yumuko bilang paalam tsaka ako lumabas ng bahay

Habang naglalakad palabas ng village ay may humintong saksakyan sa gilid ko. Mapaghahalataang mayaman ang may ari, sa sobrang tingkad nito nagawa ko pang makita ang sarili kong reflection.

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang bintana sa backseat ng kotse at mas lalo pa akong nagulat nang makilala ko kung sino iyon.

“Oh, Hi!” gulat pa ring sabi ko

“Saan ang punta mo? Sumabay ka na sa'min.” nakangiting sabi nito sa'kin

“Sa Lovers Cafe lang ho.”

“Sakto madadaanan namin iyon, sumabay ka na.” binuksan niya ang pinto ng sasakyan bago umusod sa kabilang upuan para maka upo ako

Nang makasakay ay napansin kong may isa pa pa lang tao bukod sa driver.

“That's Yena, my secretary.” pagpapakilala niya sa babaeng nakaupo sa passenger seat

Ngumiti sa akin si Yena, halatang kaunti lang ang agwat ng edad nito sa akin.

“Si Mang Bert naman 'yong driver.”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now