Chapter 17

4.6K 238 22
                                    

Chapter 17 : TBSP

Aeriz's POV

Mas natatakot na ako ngayon dahil habang nasa sasakyan kami ay walang imik si kuya.

“A-Alam na ba nila?” tanong ko sinulyapan niya ko pero kaagad ding binalik sa daan

“Not yet, but i'm sure they will.”

Syempre. Malalaman talaga nila baka nga sinabi na sa kanila ng mabait nilang anak. Kaya minsan nagtataka rin ako e.

May diablo bang mabait?

“Ano ba talagang nangyari?” seryosong tanong niya

“Siya naman ang nag umpisa e, pero anong magagawa namin kesyo anak siya ng may-ari.natatawang sabi ko sa kaniya

Nanatili lang siyang seryoso bago ako tapunan ng tingin. Napabuntong hininga pa siya tsaka hininto ang sasakyan sa Gzon Corp.

Ginagawa namin dito?

Bumaba na siya kaya naman sumunod na lang ako. Napapansin ko lang buong araw na 'ata ako nagiging sunod-sunuran? Sayang kaastigan ko!

Binabati siya ng mga empleyado pero hindi naman sila pinapansin nitong isa. Napapatingin din sa'kin ang iba.

“Girlfriend ba 'yan ni Sir?”

“Siguro. Ang ganda e.”

Jusko naman!

“Pero mukhang bata pa.”

“Oo nga tsaka tignan mo yung uniform niya sa GIS 'yan di'ba?”

“Baka naman kapatid?”

“Yeah. Or pinsan.”

Mga chismosa't chismoso nga naman nagkakalat.

Bago kami makapasok sa opisina niya ay nakita muna namin si Gina. Ang sekretarya ni kuya. Kaagad siyang ngumiti sa'kin gano'n din naman ako.

“Hi, Aeriz!” masayang bati niya sa'kin at kumaway pa

“Hi, Gina. Musta?”

“Eto medyo busy kasi naghahapit na rin kami since malapit na naman ang competition for the best company around the world.” nakangiting sabi niya “Ah!. . .Sir Zach, hinihintay po pala kayo ni Mr. Montero sa board room.”

Napasulyap sa'kin si kuya kaya nagtaka ako pero umiling siya. “Okay. Ikaw na munang bahala kay Aeriz.” sabi niya bago may kinuha sa wallet at inabot sa'kin ang card niya “Use this kapag gusto mong bumili or kumain. Sabay tayo uuwi mamaya.” sabi niya tsaka ako tinapik sa balikat at naglakad palayo

Inakbayan lang ako ni Gina at pumasok kami sa office ni kuya. Walang pinagbago maayos pa rin siguro yung wallpaper lang ang nagbago. Dati kase sky blue ito ngayon naman light brown na.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now