Chapter 39

4.3K 232 31
                                    

A/N: errors alert

Chapter 39 : TBSP

Klein's POV

May mali talaga!

“Riz, okay ka lang ba?” tanong ko kay Riz na tahimik at halata'ng malalim ang iniisip

Tumingin naman siya sa'kin. At tumango.

See? May mali e!

“May problema ba si Riz?” pabulong na tanong sa'kin ni Clyden

“Ewan ko. Basta pagbalik niya galing sa baba para bumili ng pagkain gan'yan na siya.”

Tulala. Walang imik. At malalim ang iniisip.

“Riz, gusto mo?” pagaalok ni Nate kay Riz ng hawak nitong popcorn hindi ko alam kung saan niya nabili

Umiling lang si Riz.

“Ito, Riz, o. Masarap 'to.” pagaalok naman ni Mac ng cotton candy

Umiling ulit si Riz.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumingin sa dalawang isip bata na tila'y pinagbagsakan ng langit ang itsura.

***

Aeriz's POV

Napabuntong hininga ulit ako. Nagaalala ako ng sobra sa mga taong nasa paligid ko na baka idamay nila Phoenix o di kaya ni Saito.

*Flashback*

Sasakay na sana ako sa elevator habang bitbit ang pagkain na binili ko para sa mga sperm nang may makasalubong naman ako na hindi dapat.

“It's nice to see you again, Jade.” nakangising bati ni Saito

Napatingin ako sa katabi niya na nakapamulsa habang may ngisi sa labi.

“Phoenix.”

Sarkastikong ngumiti siya sa'kin bago tumango.

“Shock?” nangiinis na tanong niya “Nagulat ka siguro na magkasama kami ni Saito, ano?”

“Ba't naman ako magugulat kung magsasama ang isang demonyo at traydor?” kunwaring inosente kong tanong

“C'mon! Hindi kapa rin nakakapag move on sa past? When will you let go the past and focus to the present?” natatawa niyang tanong Magfocus ka sa present, Jadey. Para naman aware ka na ang black section naman ang target namin.”

Kaagad nawalan ng emosyon ang itsura ko.

Subukan mo lang na idamay ang nasa paligid ko, Phoenix. Sisiguraduhin ko'ng malulumpo ka at hindi na makapaglalakad hanggang mamatay ka.”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now