Chapter 40

4.2K 206 34
                                    

A/N: errors alert

Chapter 40 : TBSP

Aeriz's POV

Maghahalikan na lang kayo sa hospital pa talaga?! Hindi mo manlang naisip yung mga makakakita sa inyo! Hindi manlang kayo nahiya na ang babata niyo pa magkakaron na kayo ng scandal---”

Lah! Scandal agad?!”

“Sige lang, Aeriz! Sumagot ka pa!”

Tignan mo 'to napakasama ng ugali.

Pagkauwi ko pagrarap niya ang bumungad sa'kin kulang na lang mag beat ako para sa kaniya e.

Gimme a beat! Ganernn!

“Kapag ikaw talaga umuwi rito ng buntis ipapatapon kita pacific ocean!”

“Edi nalunod ako?”

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa'kin.

“Ilang taon kang nakatira sa isla tapos di ka marunong lumangoy?!”

Hala! Ipalangoy ba naman sa'kin ang pacific ocean.

“Hindi naman ako yung isda dun!”

Isda?! Isda pala ah! Dito ka lang at ipapalo ko sa'yo ang buhay na isda!”

Aray!

“Ano ba naman 'yan, Zacharyle! Gabing gabi na pakainin mo naman ang bata! Hindi pa naghahapunan 'yan dahil sa kakasermon mo.” panenermon ni tita kay kuya

“Paano makakakain e ang iniisip niyan ay si Vaughn!”

“Scammer ka, kuya!” sigaw ko tumalim naman ang mata niya sa akin

“Boyfriend mo?” baling ni tita sa'kin suot ang nanunuksong ngiti

“P-Po?! H-Hindi ah. . .”

Hindi naman kami, 'di ba?

Ang sabi niya lang naman gusto niya ko at mahuhulog na siya sa hagdan pero wala siyang sinabi na kami na. Di naman ako assuming.

“Hindi pero naghahalikan?” sarkastikong tanong ni kuya Ryle

“Anong naghahalikan? E hindi nga natuloy.” dumating kasi kayo.

“So gusto mong matuloy?”

“Hindi. . .” medyo lang pu hihihi

*PLOK*

Sinapok ni tita si kuya! Berigud tita! Ang galing galing mo!

“Ma, it hurts!”

“Hurts hurts ka riyan! Ryle, malaki na si Riz. Normal lang na magka-boyfriend na siya. Gwapo naman si Grae.” napangiti ako sa sinabi ni tita lalo na sa pangdulo

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now