Chapter 73

3.7K 203 23
                                    

A/N: medyo natagalan pero eto na nga hehe enjoy reading nga mahal!

Chapter 73 : TBSP

Aeriz's POV

Ay ewan ko ba! Ang daming peste sa mundo idagdag mo na yung manok na iyon!

Arrrrrghhhhhhhh!!!!

*flashback*

Anak ng tokwa. Malamang ay masesermunan na naman ako ng magulang ni Lucifer.

Naipanalo ko nga ang pageant na 'to, pero hindi mababago nun ang pagiging anak ko sa labas.

Umakyat na ako sa hagdan ng 2nd floor, pero dahil nasa 3rd floor ang conference room ay aakyat pa ulit ako.

Pero bago iyon. . .

“Natalo na naman ulit ako sa'yo.” narinig ko ang boses ni Kim na nasa likuran ko kaya hinrap ko siya

Gusto kong pagpalitin ang pwesto namin dahil nakatalikod ako sa hagdan at isang tulak niya lang ay babagsak ako rito.

Kulang kulang pa naman ang babaeng 'to.

“Gusto kong tanggapin iyon, pero hindi ko matanggap na natalo mo ako sa harap ng maraming tao.” nanggigigil na sabi niya

“Talaga bang iyan ang dahilan mo?” seryosong tanong ko

“Also one thing. Ginawa mo akong mahina sa harap nila Grae! Are you doing it on purpose?!”

Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa sinabi niya.

“Hindi kita pinagmukhang mahina, Kim.” seryosong sabi ko “Sadyang mahina kana talaga.” dagdag ko pa

“How dare you?! Who do you think you are?!”

Lalong sumeryoso ang itsura ko dahil sa tanong niya “I am Jade. Aeriz Jade.”  sagot ko rito

Napansin ko agad ang paglunok niya at pagiwas ng tingin, pero matapang ulit niyang sinalubong ang paningin ko.

“I really hate you!” sigaw nito sa'kin at nagmartsa palayo

Baliw.

Napailing na lang ako sa kaniya. Tumingin pa ako sa paligid kaya umikot ako paharap sa hagdan kasabay nun ang pagtulak sa akin ng isang tao.

Shit! Buti na lang napakapit ako!

Hindi rin nagtagal ang pagkakakapit ko dahil may tumandyak sa likuran ko para tuluyan akong mahulog at magpagulong gulong sa hagdan.

Tangina masakit iyon!

Nalasahan ko ang kalawang sa labi ko dahil sa pagdugo nito.

Akmang tatayo na ako nang may tumapak naman sa likod ko kaya napadapa na naman ako.

Arrrrghhhhh! Ano ba?!” sigaw ko

“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan dito ka pa mag aral.” sabi ni ano

Sino nga ba 'to? Si manok?

“Wala namang pakialam si Aeros sa'yo kaya pwedeng pwede kitang saktan kahit kailan ko gusto.” mas diniianan nito ang pagkaka-apak sa likod ko Lubay-lubayan mo si Ysha dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya ako ang makakalaban mo.”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now