Chapter 11

4.8K 241 27
                                    

A/N: errors alert

Chapter 11 : TBSP

Aeriz's POV

Maliiii!!! Ano ba 'to! Bakit ganun?!!! Naramdaman ko na naman iyon, pero bakit kay Grae? Alam kong siya pa rin pero bakit ganun ang naramdaman ko kay Grae?

Riz, okay ka lang ba?” napakurap kurap ako sa tanong ni tita

“Ho?”

“You look bothered.” iiling iling na sabi niya Umakyat ka na muna sa kwarto mo at maligo, kakain na tayo mamaya.” nakangiting sabi niya at hinaplos pa pisngi ko bago siya nawala sa paningin ko

Minsan hinihiling ko na sana si tita Leigh at tito Ryan na lang ang mga naging magulang ko baka maayos ang buhay ko ngayon. Baka....hindi ko nagawa yung mga bagay na nagawa ko dati. Yung mga bagay na naging dahilan ng pagkawasak ko.

Umakyat na lang ako sa taas at sinunod ang sabi ni tita sa akin ng makababa na ako ay naabutan kong nagtatawanan ang magulang ni Aeros sa sala.

Ang tatanda na ang haharot pa.

Halika na sa dining, Aeriz.” nakangiting sabi sa'kin ni tita ng makita niya ko pagkalabas sa dining kaya naman napatingin sa'kin yung mag asawa pero inismiran lang nila ko

Wow!

Iiling iling akong naglakad papunta sa dining at naupo kung saan ako lagi. Si tita na ang nag-asikaso sa'kin pero natigil ng marinig ang boses ni Valak.

Huwag mo na siyang iturin na parang bata, Leigh Ann. Malaki na iyang babaeng iyan.” sabi ni mama kay tita

Manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin, Alliana.” seryosong sabi ni tita at pinagpatuloy ang pag asikaso sa'kin

“Buti nga si tita....” pagsasalita ko kaya natuon ang atensyon nila sa'kin at hinihintay ang susunod na sasabihin ko Nagagawang umakto bilang ina....e ikaw? Hindi naman 'di ba?”

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata niya “Dahil hindi ko matanggap na anak kita!” sabi niya gamit ang mataas na boses na lagi niyang ginagamit kapag ako ang kausap “Oo! Anak kita, pero isa iyong malaking pagkakamali.”

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako naiiyak sa mga sinasabi niya. Dahil kung dati ay magagawa kong maiyak pero ngayon hindi na. Tanging paninikip na lang ng dibdib malamang ay naiipon doon lahat ng nararamdaman ko.

Walang emosyon ko lang siyang tinitigan bago muling nagsalita “Fair lang tayo.” sambit ko bago nginitian si tita para sabihing okay lang ako tsaka muling hinarap si mama “Hindi rin naman kita tinuturin bilang ina.”

Aeriz Jade!” nagitla ako sa sigaw ni kuya Ryle na kakapasok lang ng dining

Lagot ka na naman, Riz.

“Ano na naman ba 'yang lumalabas sa bibig mo? Hindi ko nagugustuhan.” galit na sabi niya

Hindi ka rin naman gusto ng mga sinasabi ko. Ha?

“Hindi ko sinasadya.” iyon na lang ang nasabi ko bago ipagpatuloy ang pagkain

Lumipas ang oras ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil nasa loob lang ako ng kwarto. Sabado ngayon at kahit linggo ay hindi ko pa rin alam kung saan pupunta dahil hindi ako nagsisimba. Baka masunog lang ako do'n.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now