Chapter 86

6.3K 245 89
                                    

a/n: finally!

Chapter 86 : TBSP

Aeriz's POV

Nababadtrip ako. Kasama niya na naman si Kim. Gusto kong sapakin si Kim, hanggang sa magmukha siyang panda. Kaso mas gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil sa mga binibitawan kong salita sa kanila.

"What are you talking about, Riz?"

"Simple lang naman ang sinasabi ko, Grae. Lumayo na kayo sa'kin dahil hindi ko kayo kailangan."

Bumukas ang bibig nito pero walang lumabas na kahit anong salita roon kaya muli niya na lang itinikom.

Please, Grae. Makinig ka sa'kin.

"Hindi kita kailangan, hiyang hiya na ako sa mga taong nakakakita sa atin kapag magkasama tayo." parang kinukurot ang puso ko bawat bitaw ko sa mga salita "Sana talaga lumipat na lang ako ng section noong sinabi ni kuya, kaso naawa pa ako sa inyo no'ng una. Naisip ko lang, ano kayang mangyayari kung iiwan ko kayo agad, gaya ng pang-iiwan ni Kim sa inyo."

"Don't you ever compare me to yourself!" galit na sigaw ni Kim

"Wala ka namang pinagkaiba sa akin ah? Demonyo ka rin, katulad ko. Kaya nga nagawa mong ipabugbog si Nate, hindi ba?" nakangising tanong ko sa kaniya kita ko ang panlalaki ng mata ni Kim habang nakatingin sa akin

Gotcha.

"Nagulat ka ba dahil alam ko? O nagulat ka dahil ipinaalam ko sa kanila ang kademonyohan mo?" kunwaring nagtatakang tanong ko para mas mainis siya

"W-What the hell are you talking about?" kinakabahang tanong niya

"Ha? Mali ba ako? Hindi ba nag-eskandalo ka noon sa High Z  dahil nagmamakaawa si Nate sa iyo na huwag kang umalis, kaya ipinabugbog mo siya sa mga taong nandoon dahil sinabi mong binastos ka ni Nate. Sabi ko naman sa'yo noon pa man, Kim. Huwag ako, dahil mas nagiging demonyo ako kapag nagagalit." pigil pigil ko ang sariling mag taas ng boses sa kaniya

"No. . .No! I. . .didn't do that! You're lying! Guys, she's lying!" halos patayin niya ako sa sama ng tingin na ibinabato sa akin

Sus, Kimiara! Nakakasawa na kasinungalingan mong gaga ka.

Nginisian ko lang siya dahil kahit hindi ko nakita ang pangyayari ay nakita naman iyon nila Amiel at Ryeio. Sila ang nagsabi sa'kin kanina habang nasa pick up kami.

*Flashback*

"Teka, Jade!"

Napaigtad ako mula sa kinauupuan ko nang may biglang sumigaw sa tenga ko habang nag titingin ako ng mga picture sa gallery ko.

"Ano ba?!" iritang tanong ko napakamot tuloy si Amiel sa ulo niya

"Pamilyar kasi sa'kin 'yong nasa litrato e." nakangusong sabi nito at itinuro ang screen ng phone ko

Unti-unting lumipat ang tingin ko sa picture. . . si Nate.

"Kilala mo?" tanong ko kay Amiel

"Hmm. . .parang. . ." hindi siguradong sagot niya halata rin sa mukha niya ang pag iisip

Baka naman nagkasalubong lang sila ni Nate sa timezones o kaya naman ay sa playground dahil parehas naman silang kulang kulang ang utak.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now