Chapter 21

4.6K 218 2
                                    

A/N: errors alert!

Chapter 21 : TBSP

Aeriz's POV

Kung ano-ano pang napag-usapan namin ni Kiro bago namin napagpasyahan na bumalik na sa clinic. Masaya rin siya kausap. May sense.

“So you mean bata pa lang ay kilala niyo na si Chea?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami

Nabanggit niya rin kasi sa'kin iyon kanina habang nagkukwentuhan kami kaya medyo nacurious ako. . .kung bakit hindi ko nakilala si Chea noon.

“Yeah, pero hindi rin naman nagtagal kasi kinuha siya ni tito Chen pabalik sa Korea.”

Ahh. . .

Kung pagdudugsong-dugsungin ko lahat ng nalaman ko ay. . .wala talaga kong maintindihan. Basta ang gulo! Kung kayo kaya nasa posisyon ko maiintindihan niyo?! Hindi rin naman!

Tahimik kaming nakarating sa clinic at agad na sinalubong kami ng maiingay na boses ng black section akala mo naman ay nakawala sa hawla mga putcha.

“Hoy ang ingay niyo!” suway ko sa kanila kaya napatingin sila sa'kin bago kay Kiro

Uuuuuyyyyyyyyyyyy!!!!”

Ekekekekekekek ayieeeeeeeeeee!!!”

“R-riz. . .akala ko ako lang?!!!!”

Kyaaaaahhhh!!!! Fafs Kiro bakit mo ako pinagpalit sa may pechay?!!!!”

Jusko po!

Nagkatinginan kami ni Kiro bago sabay na nasapo ang noo at iiling iling na nilampasan ang mga sperm na nagdadrama. Kabaliwan!

“What's up.” walang ka-emosyon emosyon na bati sa'min ni Grae

Napaka cold!

“Hi, Aeriz!”

Kaagad nabaling ang tingin ko sa may higaan kung saan nandoon si Klein na nakikipaglaro ng baraha kila Clyden at Kev!

“Oy! Oy! Tumira kana tanga! Kapag natalo ka akin na bahay niyo!” sabi ni Kev kay Clyden

“Gago! Hindi kasali bahay ko rito! Baka mapalayas ako ng erpats ko pag nagkataon.”

Shutanginang mga 'to! Ginawang sugalan ang clinic!

Tigilan niyo nga 'yan!” sigaw ko sa kanila gulat naman sila at naitapon pa ang baraha “Kayo talaga sasapakin ko kayo e!”

“Oy sobra na ah! Sinapak mo na nga ako e! Sasapakin mo ulit. Huwag na sayang naman ang kagwapuhan ko.” nakangiwing sabi naman ni Klein

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now