Chapter 55

3.9K 216 25
                                    

A/N: errors alert

Chapter 55 : TBSP

Aeriz's POV

Pinapakiramdaman ko ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa gymnasium at nakita ko naman sa entrance si Grae na nakatayo ro'n at palinga linga tila'y may hinahanap.

Natigil ang paglinga linga niya nang makita ako tsaka siya mabilis na lumapit sa'kin.

“Saan ka galing?” tanong niya pero umiling lang ako “You okay? May masakit ba sa'yo? Answer me---”

Niyakap ko siya.

Nagkusa na lang yumakap ang braso ko sa kaniya at sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya.

Ang daming gumugulong tanong sa isip ko.

Kung bakit nagtext si Lucifer kay Grae?

Kung bakit bumalik siya?

Bakit ngayon lang?

Kasama niya ba yung buong tropa?

Bakit. . .wala na talaga ko'ng nararamdaman sa kaniya?

Sa sobrang dami hindi ko na alan kung alin dun ang sasagutin ko.

Naramdaman ko ang braso ni Grae na bumalibot sa bewang ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

“It's okay. You can cry.”

Hindi ko maintindihan, pero sunod sunod na umagos ang luha ko.

Parang magic words yung sinabi ni Grae.

Parang gripo ang luha ko at hindi matigil sa pag agos hanggang sa naririnig ko na ang sarili ko'ng hikbi.

Bakit ba sa sperm na 'to ako umiiyak?

Mabuti na lang at hindi kami napapansin ng mga tao dahil medyo tago ang pwesto namin.

Dahil kapag may nakakita sa'min ma-issue pa kami. Mga chismoso't chimosa pa naman mga tao rito.

Nang matapos akong umiyak ay nanatili lang akong tahimik at hindi magawang tumingin kay Grae.

Punyetang luha napakarami na nagawang basain yung damit ni Grae!

“You owe me an explanation, babe.” naiiling na sabi niya

“Explanation saan?” painosente ko'ng tanong

“Kung bakit ka umiyak.”

“E may utang ka rin namang explanation sa'kin!”

Meron naman. . .'ata.

“Huh? Really?”

Meron nga ba? Mag isip ka Riz punyeta ka!

“O-Oo. . .”

“And what is it?”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now