Chapter 81

3.4K 181 26
                                    

a/n: hiii! now lang kasi naging busy na rin sa school ahihi. enjoy reading! love you!

Chapter 81 : TBSP

Kiro's POV

“Riz, halika na!” aya ni Nate kay Riz

Papunta kami sa shop nila Klein, para kumain ng libreng ice cream.

“Ayoko.” sagot ni Riz, habang inaayos ang gamit niya

“Ha? Anong ayaw mo?”

Humarap ito sa amin. Walang kahit anong emosyon ang mata niya. Nakakatakot.

“Hindi ako sasama.” malamig din ang tono ng pananalita niya bago kami tinalikuran para lumabas ng room

What the. . . that's not Riz.

Pare-parehong nakaawang ang bibig namin dahil sa inakto ni Riz, pero kaagad din naming narinig ang matinis na boses ni Nate at Mac.

Riiiizzzzzz!”

“'Wag mo kami iwan, Riiizzzz!”

Wow.

Ang lakas talaga ng loob no'ng dalawang iyon. Halata namang wala sa mood si Riz, ngayon pero nagagawa pa rin nila itong kulitin.

Kahit anong tawag no'ng dalawa ay hindi manlang sila nilingon ni Riz. Dere-deretso lang itong naglakad hanggang sa makarating sa gate at maya maya ay may tumigil na apat na nakamotor sa harap niya.

“Hop in, Jade!” sigaw ng isang lalaki bago hinagisan si Riz ng helmet kaagad naman niya itong sinuot bago umangkas

Sinulyapan muna kami ni Riz, bago tapikin ang balikat ng taong nasa harap niya para mag drive na.

“I-Iniwan tayo ni Riz.” hindi makapaniwalang sabi ni Mac

Si Nate ay tahimik lang pero nangingilid na ang luha niya. Imbis na umiyak ay huminga ito ng malalim bago naglakad paalis ng school kaagad naman siyang hinabol ng iba.

“Uy Nate!”

“Nate, halika nga rito!”

Kaagad na tinakbo nila Clyden at Klein si Nate nang akma itong tatawid sa kalsada habang may mga nagdadaanang sasakyan.

“Ano ba?! Magpapakamatay ba kayo?! Mga peste na 'to!” sigaw sa kanila no'ng lalaking nagddrive

Nakita ko pa kung paano namakyu 'yong ibang tarantado napapailing na lang kami ni Aj, habang si Grae ay tahimik lang na nakatingin sa dinaanan nila Riz.

Bitawan niyo ko! Susundan ko si Riz!” patuloy pa ring nagwawala si Nate, mula sa pagkakahawak ni Klein at Clyden sa kaniya

“Nate, ano ka ba?! Nakalayo na siya! Hindi mo na siya mahahabol!” hinawakan siya ni Klein sa balikat tsaka sinigawan

“P-Pero. . .”

“Bukas mo na lang siya kausapin, Nate. Baka may importante siyang pupuntahan kaya nagmamadali.” nginitian siya ni Klein, bago inakbayan “Halika na. Ililibre na lang kita ng ice cream.”

---

Nakarating kami sa ice cream shop nila Klein. Papasok na sana ako sa loob nang mag ingay naman ang cellphone ko.

“Hey Dad.”

[Dinner. 8 pm.]

Hays.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now