Chapter 45

4K 225 28
                                    

A/N: errors alert

Chapter 45 : TBSP

Aeriz's POV

“Sigurado ka ba'ng okay ka na?” tanong ulit ni kuya

Pang-32 na tanong na 'yan mula nang maka-sakay kami sa sasakyan niya para ihatid ako sa school.

“Kuya, okay na nga ako.” napipikang sagot ko

“Hindi pa naghihilom ng todo ang sugat mo, Riz.”

Maghihilom din naman 'to.”

“Ang tigas talaga ng ulo mo.”

Hindi na lang ako sumagot dahil totoo naman.

Hanggang sa makarating kami sa school ay tuloy pa rin ang sermon at pangangaral niya sa'kin.

Paulit ulit lang naman ang sinasabi.

Mabilis na bumaba ako sa sasakyan niya dahil ayoko ng marinig ang boses niya'ng hindi napapagod kakasalita.

Napakadaldal.

Papunta na sana ako sa building ng section ko nang makita ko naman si Lucifer na parang isinusumpa na ako sa tingin niya.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napakurap kurap nang irapan niya ako bago talikuran.

Bakla!

“Riz.”

Nakakunot noong nilingon ko ang tumawag sa'kin pero sinalubong ako ng pag akbay niya kaya muntikan na ko'ng masubsob.

“Kingina ka, Kiro!” inis na asik ko sa kaniya pero ginulo niya lang ang buhok ko bago nanguna sa paglalakad

“Hindi pa masyado magaling ang sugat mo, ba't pumasok ka na?” tanong niya

Nakakatamad sa bahay. Puro sermon at pangangaral ni kuya ang naririnig ko.”

Malakas na natawa siya sa sinabi ko at nanguna na ulit sa paglalakad pero hindi pa kami nakakapasok sa building namin ay. . .

*BLAG!*

BUMAGSAK SI KIRO!

“Kiro!” alalang sigaw ko nang may tumulong dugo sa noo niya!

Tangina!

Ooopss. Napasobra 'ata.”

Galit na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na yun.

Kilala ko 'to e!

Saan ko ba sila nakita?

“Naaalala mo pa ba kami, Miss?” nakangising tanong ng isa

Sila! Sila yung mga bastos nung first day!

“Bakit ginawa niyo 'to kay Kiro?!” imbis na pansinin ang tanong niya ay mas naasar pa ako

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now