Chapter 71

3.5K 189 30
                                    

A/N: bakasyon ko na! makakabawi na ako yey more chapter of Riz shshshshshsh enjoy reading mga mahal mwa!

Chapter 71 : TBSP

Aeros' POV

Jeisz, one last time. I want to see Jade.”

Ang kulit.

“Hindi kana ba talaga maka-intindi? Mabuti pang layuan mo na siya.”

Napayuko siya at naiyukom ang kamao mukhang nawawalan na siya ng pasensya.

“Why are you doing this to me?” he asked

H'wag kang mag alala. Hindi lang naman ikaw ang pinapalayo ko kay Riz. Maski ang mga kaklase niya ngayon na igagaya niya lang sa ginawa niya sa inyo.”

“Wala siya'ng ginawang masama sa'min! Wala kang alam kaya manahimik ka!” galit niya'ng sigaw pero nanatili akong kalmado at walang emosyon na nakatingin sa kaniya

“Natatakot kang baka mag mahal ng iba si Riz, tama ba? Kaya umuwi ka rito at isinama mo pa si Kimiara dahil nalaman mong may nakaraan sila ni Grae. At si Grae tsaka Riz ay nagkakamabutihan na.” namamanghang tumingin ako sa kaniya “Do you realize how selfish you are?”

“I'm not selfish. I'm just doing the right thing.”

“Whatever. Go back where you belong, you such a piece of shit. Wag na wag ka nang lalapit sa kapatid ko, dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para lumayo kayo'ng lahat sa kaniya.” seryosong sabi ko bago tumalikod pabalik na sa gymnasium nang mag salita pa siya

“Til' the next time, Jeisz.”

There's no more next time, Van.

***

Aeriz's POV

Sa sobrang sama ng tingin sa'kin ng mga diablong magulang ni Lucifer, pihadong sasabunin na naman ulit ako ng mga 'to mamaya.

Pero hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang atensyon dito sa babaeng katabi ko na halos tumirik na ang mata kakairap sa'kin.

“Kapag ako napikon sa kakairap mo, dudukutin ko iyang mata mo.” nakangiting sabi ko kay Kim kaagad namang nanlaki ang mata niya bago umiwas ng tingin

Kaartihan.

Tumingin na lang ako sa harapan pero kay Nate dumapo ang paningin ko. Katulad kanina ay nakayuko lang siya habang nakayukom ang kamao niya'ng nanginginig.

Nang mag angat siya ng tingin ay kaagad nagkasalubong ang mata namin, nangingilid ang luha niya habang nakatingin sa'kin.

Isang bagay lang ang alam ko na makakapag-ayos ng pakiramdam ng sperm na 'to. Nginitian ko siya na parang sinasabing lulunurin ko siya sa pacific ocean kapag hindi niya inayos ang sarili niya. Parang baliwala na ang pangingilid ng luha niya kanina nang bigla siyang ngumiti.

There. Ito yung Nate na nakilala ko.

Nanlaki pa ang mata ko nang mag finger heart siya at pinagpapalitan ang dalawang braso paabante at paatras.

GOOOOO RIIIIZZZZZZ!!!!!!”

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Nilason mo rin siguro ang utak ni Nathan gaya ng panlalason mo sa utak ni Ezekiel.”

Nilingon ko si Kim na sobrang sama ng tingin sa'kin, punong puno ng inggit ang mata niya kaya imbis na mainis ako sa kaniya ay naawa pa ko.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now