Chapter 77

3.5K 217 54
                                    

a/n: happy gf day mga mahallll!!! taga-sanaol lang ako for todays video.

Chapter 77 : TBSP

Aeriz's POV

Kita ko kung paano makipag tawanan ang black section kay Mia. Kung paano sila makipag biruan.

Kapag nakikita ko silang ganiyan, napapasabi na lang ako sa sarili ko na. . .

Bumalik na sila sa kanilang tahanan, dahil ako'y isa lamang kubo na pupwedeng silungan kung kailan nila kailangan.

Ayokong hadlangan ang kasiyahan nila kaya naman hahayaan ko na lang sila.

“Oh hey there, Nate.”

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Mia na tinawag ang pangalan ni Nate.

“Hindi mo manlang ba ako namiss? I thought I'm your ate?” nakangiting tanong ni Mia kay Nate na ngayon ay nagsisimula ng pagpawisan

Nang makita kong lalapit siya kay Nate ay kaagad akong tumalon pababa sa billiards table na kinauupuan ko.

“Kimiara.” tawag ko rito at kaagad siyang hinawakan sa braso “Mag usap tayo.” mabilis na hinila ko siya palabas ng game room at sumakay kami sa elevator

“The hell is your problem, Jade?!” inis na tanong niya sa'kin

Binitawan ko ang braso niya at dinuro siya.

“You. Anong ginawa mo kay Nate?” kalmadong sabi ko sa kaniya pero nagaapoy na sa galit ang lamang loob ko

“What are you talking about?” taas kilay na tanong niya bago pinagpipindot ang open button sa elevator pero tinampal ko ang kamay niya “Ouch! How dare you!”

“Shut up and just answer you fcking bitch!” galit na sigaw ko

Ubos na ubos na ang pasensya ko sa kaniya kaya pasensyahan na lang kami kung lalabas siya sa elevator na ito na may black eye.

I didn't do anything!” sigaw niya sa'kin “Hindi ko alam kung may mali ba siyang sinabi sa'yo o gumagawa ka na naman ng sarili mong drama.”

“Hindi ako katulad mo, Kim.”

Napaayos kami ng tayo nang tumunog ang elevator sanhi na nasa taas na kami pero pinindot ko lang ang close tsaka down.

“You know what, Jade? Just leave them alone. Hindi ka makabubuti para sa kanila.”

Wow ah.

“So ikaw ang mabuti? E baka nga kapag bumaha lumutang ka sa sobrang kaplastikan mo.”

Nakita ko kung paano tumindi ang inis sa mukha niya pero pinilit niya pa ring ngumiti. Mukha na siyang natatae ngayon.

“Ano bang mahirap sa layuan mo sila? Sobrang dali lang no'n para sa'yo for fck sake, Jade! Layuan mo na ang black section dahil ipapahamak mo lang sila!”

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Naguilty ako dahil totoong pinapahamak ko lang ang mga sperm.

“Hindi mo ba makitang mas masaya sila sa akin kesa sa'yo? Kasi kailangan ka lang naman nila noon no'ng panahong wala ako sa tabi nila. Pero ngayong nandito na ako ay hindi ka na nila kailangan.”

Alam ko. Nakakatangina dahil alam ko.

“Kaya layuan mo sila!” sigaw niya na naman

Batas nga hindi ko masunod, ikaw pa kaya?” walang emosyong sabi ko sa kaniya bago dahan dahang lumapit sa kaniya habang siya naman ay paatras

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now