Chapter 22

4.4K 202 5
                                    

A/N: errors alert

Chapter 22 : TBSP

Aeriz's POV


"Hah! Until now! Until now basagulera ka pa rin talaga! Kailan ka ba magbabago?! Nakakahiya ka!" galit na sigaw ni mama sa'kin habang walang emosyon naman akong tumingin sa kaniya

As usual nakarating na naman sa kanila iyong pakikipag away ng black section at ako raw 'kuno' ang nagsimula ng lahat. Nakakagago.

Nagtataka siguro kayo kung sinong nagsumbong 'no? Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang kamag-anak ni satanas na kamukha ni Lucifer.

Si Aeros Jeisz-Tanga!

"Hindi ka sasagot?! Napakabastos mo talaga! Hindi ko maintindihan kung kanino ka ba nagmana! Wala ka ng ibang binigay sa'min kundi sakit ng ulo at kahihiyan!" sakit sa tenga, brad! "Bakit ba hindi ka gumaya sa kapatid mo?! Masunurin, magalang, responsable! When will you grow up, Aeriz Jade?!"

Punong puno ng galit na tinignan ko siya sa mata. Wow! As in wow! Ako na naman talaga ang masama at yung peste niyang anak ang mabuti!

"Magpahinga ka na muna sa kwarto mo, Riz." mahinahong sabi ni kuya Ryle para na rin matakasan ko ang kabaliwan ng nagaalburoto kong ina

Pasiring na inalis ko ang tingin ko kay mama at umakyat papunta sa kwarto sakto namang kalalabas lang din ni Aeros sa kwarto niya kaya nagkatinginan kami pero inirapan ko lang siya at pumasok na sa kwarto ko.

Kaagad kong isinalampak ang sarili ko sa kama at tumulala sa kisame. Nakakapagod na. Napapagod na ako pero nakakapagtaka lang na hindi ko naman naisip na tapusin ang buhay ko. Weird tch!

*FLASHBACK*

Sinubukan ko talaga lahat ng magagawa ko para maging mataas ang grades na makukuha ko para naman matuwa sila mama! At mukhang sinwerte ako dahil naging top 2 ako sa klase namin!

Excited akong umuwi sa bahay at naabutan ko naman si mama na may hawak na pirasong papel pero halata sa mata niyang masaya siya sa nakikita niya.

Siguro. . .report card iyon ni kuya Aeros.

"Mama!" masayang tawag ko sa kaniya

Napawi ang masayang mukha niya kanina at napalitan ng galit at inis nang makita ako.

Lumapit ako sa kaniya at inilahad sa kaniya ang report card ko habang ang lawak pa ng ngiti. Ine-expect ko talagang ngingiti siya at pupurihin ako pero mali ako. . .

"Ano ba namang grades 'to, Aeriz?! Bakit ang baba?!" galit na galit niyang sigaw sa'kin

Mababa pa ba 'yon? Pero puro 9 ang grades ko. . .

"M-ma. . .ako naman po yung t-top 2 sa r-room e. . ." naluluhang sabi ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang daliri

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now