Chapter 10

4.9K 231 7
                                    

Chapter 10 : TBSP

Aeriz's POV

Nandito kami ngayon nila Kev at Nate sa rooftop well isama na rin natin si Clyden na gusto rin makihati sa baon ko.

Ba't ba kasi ang tatamad niyo?” tanong ko sa kanila

“Open space kasi ang daan papuntang canteen e! Mangingitim kami. Sayang ang lotion.” depensa agad ni Nate kaya naman inambahan ko siya ng sapok

Kalalaki niyong tao ang aarte niyo!” bulyaw ko rito

“Sorry na. Kaunti lang naman e.” nakangusong sabi ni Clyden

Maawa ka na sa'min, Pretty Aeriz.” panguuto pa ni Kev

At dahil mabait naman ako nilahad ko ang palad ko sa kanila. Pero pinatong lang nila palad nila do'n kaya agad ko silang binatukan.

“Pera! Bigyan niyo kong pera bibili ako ng pagkain sa canteen kasi hindi kakasya sa'tin ang baon ko.”paliwanag ko nagtanguan naman sila bago nagbigay sa'kin nag tig-500

Ang yayaman ng mga 'to pero hindi magawang bumili mag isa! Kailangan may alalay! Sampalin ko kaya sila isa isa?

Inambahan ko muna sila ng sampal bago padabog na naglakad paalis. Nakasalubong ko pa sila Kiro at Grae na seryosong naguusap at sabay na napatingin sa akin pero inirapan ko sila.

Witwiw! Hi Miss!” pabirong tawag sa'kin ng isa sa mga kaklase ko

“Miss mo mukha mo!” sigaw ko rito at inirapan kaya napatawa sila

Hindi kona pinansin ang pangungulit nila at naglakad na lang patungo sa canteen pero hindi ko alam na sumunod pala sa'kin ang mga sperm.

Hindi ko sila pinansin at pumila na lang. Nang makabili na ay napalingon ako sa likuran ng hindi ko na maramdaman ang presensya ng mga sperm. Black sperm...angas mo talaga mag isip, Aeriz.

Napalingon ako sa gilid at kita ko ang black section na seryosong nakikipag titigan sa mga kaklase nila Aeros!

Kaagad akong naglakad papalapit pero hindi pa ako nakakahakbang ng lima ay bigla na lang sinapak nung kaklase ni Aeros, si Kev!

Nakaagaw kaagad iyon ng atensyon lalo na ng gumanti ng sapak si Clyden para kay Kev!

Tangina! Ano 'to?! One for all, all for one?!

Sinubukan kong lumapit pero may humawak naman sa mga braso ko para pigilan ako. Nang lingunin ko naman ay nakita ko si Kyo na seryoso ang mukha habang nakatingin sa nagaaway.

Bitawan mo ko!” sigaw ko at pilit na nagpupumiglas

Madadamay ka sa kanila, Aeriz.” seryoso'ng sabi niya

Pipigilan ko sila!” sabi ko pero saekastiko lang itong napailing

“No one can stop them....” seryosong sabi niya “Unless.... you're Kim.”

Kim. . .hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa kanila?


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kyo at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Maglalakad pa rin ako pero kaagad napahinto ng dumating sila Grae at Kiro!

Nakakatakot ang itsura nila... sobrang dilim.

Nanlaki bigla ang mata ko ng makitang tumalsik ang isa sa kasuntukan nila Clyden ng suntukin iyon ni Grae!

Shit! Anong klaseng nilalang 'to?!

“I told you....they are monsters.” napatingin ako sa gilid ko nakita ko si Chea katabi si Aeros na nakatingin lang

Halimaw ang tingin sa kanila ng iba...pero alam kong hindi sila gano'n kahit na ilang linggo ko pa lang sila nakakasama ay alam kong hindi sila masamang tao.

“Mali ka....” mahinang sabi ko sapat na para marinig niya kaya napatingin siya sa'kin “Hindi sila halimaw gaya ng tingin niyo sa kanila. Normal lang silang estudyante kung gugustuhin niyo.” makahulugang sabi ko at naglakad palapit sa mga nagkakagulo

Mapaparusahan sila kapag naabutan ng principal ang nangyayari at parang pinagtutulungan pa nila ang section one.

Itigil niyo na!” sigaw ko ng makalapit napalingon kaagad sa'kin si Nate. Bigla namang nawala ang madilim na itsura niya napalitan iyon na parang nangungulila

“Huwag kang mangialam dito!” matigas na sigaw sa'kin ng isa sa section one

Bumalik bigla ang pagkadilim ng itsura ni Nate bago sinapak yung lalaki. “Wala kang karapatang sigawan si Riz!” galit na sigaw niya kaya nagulat ako

“What now? New queen?” sarkastikong tanong ng isa

Bri, stop it!” sigaw ng isang babaeng nasa gilid sa lalaking mukhang tanga na nakangisi hindi manlang siya tinapunan ng tingin

Tumingin sa akin iyong Bri at biglang ngumisi ng nakakaloko. Humakbang ito palapit sa'kin kaya mas nangunot ang noo ko pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

“Wala kang pinagkaiba kay Kimiara....” bulong niya “Alam mo...titikman ka lang ng mga 'yan bago ka idispatya kaya mas maganda...” hinawakan nito ang baba ko at pinatingala sa kaniya dahil mas matangkad siya sa'kin ng kaunti “Ako na lang ang titikim sa iyo.”

WTF?!!! KADIREEE UYYY!

“You fvcker!” biglang sinapak ni Kiro si Bri

May humila sa kamay ko at itinago ako sa likod niya. Sa ikalawang pagkakataon sa buhay ko. . .tumibok na naman ang puso ko sa hindi inaasahang pagkakataon.

Grae....

Matapos ang away nila Kiro at Bri ay tumigil na rin si Kiro sa pagsapak kay Bri dahil sinigawan ko na siya. Nakakapagtaka nga na ang bilis niya sumunod.

Ramdam kong umakbay sa'kin si Clyden bago ngumiti, napangiti na lang din ako. Unti-unti ng nawawala ang mga tao dito sa canteen

“Let's go....Princess.”

___________________________________________
___________________________________________

mwa

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now