Chapter 47

3.9K 214 15
                                    

A/N: errors alert

Chapter 47 : TBSP

Aeriz's POV

Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa bahay nila Drake. Nagtext na lang ako kay tita na baka gabihin ako dahil nasa burol pa ko ng mama ng kaklase ko sabi niya naman okay lang condolences.

Ganun lang! Hindi yung aakalain nila'ng nagtanan ako dahil uwian na hindi pa ko nakakauwi.

Napatingin ako sa kapatid ni Drake na nakaupo sa sofa katabi ko habang umiiyak.

“Hoy.” tawag ko sa kaniya

Pasensya hindi ako malambing mapa-bata man o matanda.

“Why po?” sumisinghot singhot na tanong niya

Tumahan ka na. Masyado ng marami ang niluha mo baka mamaya bumaha na rito.” pagbibiro ko pero hindi manlang siya ngumiti!

Napaka suplada naman nito.

“Mama said na hindi niya daw po kami matitiis ni kuya kapag umiiyak po kami. So I want to cry baka po kasi bumalik si mama sa'min.” muli na naman siya'ng humagulhol

Naiiyak din tuloy ako. Pero hindi dahil nadadala ako sa kaniya kundi dahil hindi naman kami sinabihan ni mama ng gan'yan. Baka si Lucifer, sinabihan pero ako hindi.

“Ano ba pangalan mo?” tanong ko

Tumigil siya saglit sa pagiyak at kinusot kusot ang mata niya'ng namumugto.

Cute.

“I'm Dainty Acevedo, 6 years old and a grade 1 student.”

Ang galing. Pangalan lang tinanong ko pati edad at grade sinabi.

“Sino nagturo sa'yo niyan?” sasakalin ko lang.

“Si kuya ko po.”

Kaya naman pala e. Sperm kasi yung nagturo tsk tsk.

“DAINTY!”

Nagkatinginan kami ni Dainty pero nagtaka ako sa itsura niya. Halata'ng takot na takot siya.

“S-Si papa ko yun. . .”

“Oh e bakit natatakot ka e ama mo pala 'yon?” takang tanong ko

Umiling iling siya bago tumayo at naglakad papunta sa likod ng sofa para magtago.

Naiiling iling na lumapit ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko.

“K-Kukunin niya ko kay kuya ko. . .a-ayoko kay papa.” naluluhang sabi niya sa'kin

Halika. Hindi kita ibibigay sa kaniya. Pero sasamahan mo akong paalisin siya, okay ba?” ngumiti ako sa kaniya unti unti naman siya'ng tumango tsaka humawak sa kamay ko

Nakita ko'ng nagkakagulo na ang mga sperm at kaniya kaniya na sila'ng pag awat kay Drake na pilit inaabot ng sapak ang lalaki.

“Hindi ako pumunta rito para sa'yo. Nandito ako para kuhanin si Dainty.” kalmadong sabi nung lalaki

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now