Chapter 33

140K 8.8K 5.6K
                                    


"JORDAN!"

Nakangiwi siya habang nakatingin sa akin. Hawak-hawak niya ang kanyang panga na sinapak ko.

"Sorry, sorry!" hiyang-hiya ako sa nagawa.

Malay ko ba kasi na marunong siyang mag-over the bakod?

Kahit nakangiwi ay nagsikap siyang ngumiti. "It's okay."

Okay? Okay ba talaga? Tumunog kaya iyong bungo niya nang sinapak ko siya kanina.

Matapos damputin ang nalaglag niyang sombrelo sa sahig ay hinila ko siya palayo sa pinto ng sala. Mahirap na kasi baka marinig kami ni Daddy. Doon kami pumuwesto sa mas madilim para wala ring makakita sa amin.

Tiningala ko siya. Hindi ko alam ang sasabihin. Natutuwa ako na makita siya kaya lang nag-aalala rin ako na nandito siya.

New year ngayon. Dapat kasama niya ang kanyang pamilya. O kaya naman ay dapat nasa kwarto na siya at nagpapahinga. Delikado kaya na pumunta pa siya rito. Mamaya makatapak pa siya ng paputok sa daan.

Katulad ng parati ay parang nababasa niya ang mga pag-aalala ko. "Dala ko iyong kotse ni Daddy."

"E bakit ka nga pala nandito?" Pilit ko siyang inaaaninag sa dilim. Against the light ng lamppost sa labas ang pwesto niya. Kahit hindi ko siya gaanong nakikita ay sure ako na nakatitig siya sa akin.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at marahang paghila sa akin. Nasa mga bisig niya na ako at ang dulo ng aking ilong ay nakadikit na sa ilalim ng kanyang leeg.

"J-Jordan..." Napasinghap ako sa aming pwesto.

"Shhh..."

Nakayakap siya sa akin. Hindi mahigpit, hindi rin magaan. Napasinghot-singhot ako. Ang bango niya. Amoy sabon. Mukhang naligo muna siya bago pumunta rito.

Nagkusang tumaas ang mga braso ko paganti ng yakap sa kanya. Walang salita na ganito lang kami. Hindi namin kung ilang minuto at gaano katagal. Namiss ko siya at siguro ay namiss din niya ako. 

Napabitiw lang ako kay Jordan nang makarinig ng kaluskos mula sa sala.

"Carlyn, nasaan ka?!" sigaw mula sa loob.

"Si Daddy!" mahinang bulalas ko.

Hinaplos ni Jordan ang pisngi ko. "Aalis na ako. Gusto lang kitang makita kahit saglit. Happy new year."

Kasabay nang huling pahabol na fireworks sa kalangitan ay naramdaman ko ang mainit na halik sa akin ni Jordan.

Nanlaki ang mga mata ko kasi hindi ko inaasahan. Di ba friends lang? Naramdaman ko ang pagngiti niya sa mga labi ko.

"In-advance ko lang," bulong niya.

Nang humiwalay siya sa akin ay sumampa siya kaagad sa bakod. Swabe siyang tumalon palabas ng bakuran namin.

Nang lumabas si Daddy ay mag-isa na lang ako. Nakatanga ako at hindi makapagsalita. Wala akong ibang nasa isip kundi iyong halik kanina saka ang tanong na kung paano ngang marunong mag-over the bakod si Jordan?

Amazed na amazed ako kaya hindi ko dinamdam ang mga sigaw at sermon ni Daddy sa akin.

Hindi ko rin agad napansin na mabigat ang bulsa ng suot kong maluwag na shorts. Nang kapain ko ito ay may parihabang bagay na naririto. Nang tingnan ko ay napanganga ako. Toblerone!

Ang pagkakanganga ko ay nauwi sa pagngiti. Bumalik ako sa aking kwarto na buo na ang gabi. Kahit hindi naging okay ang Pasko, masasabi kong okay na okay na ang bagong taon ko.



South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon