Chapter 4

534 20 3
                                    

"Good morning, baby," he said to me, while there was a smile on his reddened lips. Tulala niya akong iniwan sa sala at pumunta ito ng kusina, wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Nararamdaman ko pa rin ang kanyang malambot na labi sa labi ko, mabilis na tumibok yung puso ko.

Stop your heart Caitríona, It's just a kiss doesn't mean anything.

Pumunta ako sa kusina na tulala parin, kahit nasa akin na ang susi hindi ko pa rin mapigilan ang aking mga paa na puntahan sya. Naabutan ko syang may pinapainit na pagkain sa microwave, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang likod dahil punong puno ito ng mga kalmot ko. Bakit ko kaagad binigay sa lalaking to, one night stand lang naman ito para sa lalaki eh. So bakit ko nga binigay agad? Dahil sa alak? Hay ewan. Bakit ba hindi pa ako umaalis? Akala ko ba gusto ko ng umalis? Aalis na ako ngayon na, magpapaalam na lang ako sa kanya total nakita naman na nya ako.

"Hmmm, pwede na ba akong umaalis?" lakas loob kong tanong sa kanya, napatingin naman ito sakin, hindi ako nito pinansin bagkus ay humarap ito sa microwave at hinihintay nitong matapos maluto yun.

"Pwede na ba akong umaalis!" malakas kong sigaw sa kanya. Nakakairita alam ko naman narinig ako nito, pero mas pinili nitong magpakabingi. Dapat pala hindi na lang ako nagpaalam pa edi sana kanina pa ako nakauwi.

"No" matigas nitong sagot sakin. Bigalang naginit yung ulo ko sa sinasabi niya, susugurin ko na sana sya ng biglang sumakit yung pagkababae ko.

Napakuyom ko ang aking palad dahil sa sakit, nag-aalala namang lumapit si Hendrix sakin at hinawakan pa ang aking mga kamay, tinabig ko naman ang kanyang mga kamay. Ayaw kong hinahawakan nya ako baka bigla akong bumigay at isuko ulit ang aking pagkababae.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong sakin. Hindi ko sya sinagot at masama ko syang tinigan, tinigan na parang gusto ko syang saksakin sa puso para patay na agad.

"Uuwi na ako." yun na lang ang sabi ko, dumilim naman ang expersyon ng mukha nito yung parang may kaaway sa kanto at biglang magsusuntukan. Ganoon ang itura ni Hendrix ngayon.

"I said no, kakain ka muna dito." naiinis nitong sagot sakin.

"Sa bahay na lang ako kakain." naiinis ko ring sabi sa kanya.

"How can you come home when your motorbike is not here" inis na napasabunot naman ito sa kanyang buhok at naiirita akong tinignan.

"Edi mag taxi na lang" simple kong sagot sa kanya. Gusto ko lang naman umuwi, pinapahaba lang ng mokong na ito yung usapan.

"Ihahatid na kita, kaya kumain muna tayo." sabi niya pa sabay tumalikod na sakin at harap ulit ang microwave.

Hindi na lang ako nakipagtalo pa at padabog na naupo sa upuan. Dami pa kasing sinasabi, pwede namang sabing mag stay ako. Pagkatapos ko na lang kumain, aalis ako walang makakapiling sakin. Nakita ko syang inaayos na nya yung mga pagkain sa lamesa. Hindi ko maiwasang tignan yung mga biceps nyang gumagalaw pag inaayos nya yung mga plato, parang inaakit nya ako dahil ilang beses pa nyang inaayos yung mga plato kahit ayos naman na.

"Pwede bang magdamit ka." naiirita kong sabi sa kanya. Kasi naman boxer shorts lang yung suot nito, nadidistract ako sa katawan nya.

"Nah, Let's eat" sabi na lang nito sakin, pinagsandukan pa ako nito ng ulam't kanin yung parang bagong kasal.

Kumain na lang ako at hindi sya pinatapunan ng tingin, nakayuko lang ako at mabilisang kumain. Kung bakit ba kasi nagpakalasing pa ako kagabi, kasalanan ito ng alak. Hindi na talaga ako iinom pa. Hindi ko na rin napansin yung mga kaibigan ko kagabi, asan na kaya sila? Sasabihin ko ba kay poala yung nagyare?

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now