Chapter 38

162 6 0
                                    

Nagising ako sa isang haplos sa aking pisngi, hindi ko alam kung sino ang taong gumagawa nun sa aking pisngi. Basta naramdaman ko lang ang kanyang kamay sa aking pisngi habang dahan-dahan nyang hinahaplos ang aking pisngi. Hindi nagtagal ay mabilis ko inumulat ang aking mga mata kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay sinalubong ako ng isang mukhang may pag-alala habang nakatingin sakin.

"Doc!" Rinig kong sigaw ng isang tao at rinig ko rin ang pagtakbo ng sobrang bilis na para bang may hinahabol.

"Oh my god! She awake." Boses ng isang babae ang narinig ko.

Gulat akong napatingin sa taong humahaplos sa aking pisngi, kahit na gising na gising ako ay hindi nya pa rin itinigil ang paghahaplos sa aking pisngi. Agad at mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga ng nakita ko ang kanyang mukha.

"M-Mommy..." Gulat at nanlalaking mata kong tanong sa aking ina.

May pag-alala nya akong tinignan gamit ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit sya nandito ngayon, hindi ko nga sinasabi sa kanyang na pupunta ako ng headquerters. Tapos ngayon makikita ko sya sa aking harapan. Ayaw ko syang mag-alala sakin, kaya hindi ko na sinabi pa sa kanya ang lahat.

"W-What..are you doing here?" Mahina kong tanong.

Kahit na masakit ang buo kong katawan ay nagawa ko pa ring bumangon mula sa aking pagkakahiga sa kama. Agad kong napansin ang mga pasa aking braso, kamay at sa iba't ibang parte ng katawan. Naramdaman ko rin ang hapdi at sakit sa aking likod at mga hita na para bang matatanggal na sila sa aking balat.

Nandito pala silang lahat. Ang mga magulang ko, ang mga pinsan ko at pati na rin ang mga tito't tita ko. Nag-aalala nilang akong tinignang lahat. Hindi naman nakakapani-bago na nandito silang lahat. Sa totoo lang inaasahan ko na sila maliban lang sa aking ina.

"Why didn't you even tell me, anak." May pag-aalala nyang sabi habang hawak na ang aking dalawang kamay.

Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang sinasabi nya yun. Hindi ako nagsalita at niyuko ko lang ang aking ulo, para iwasan ang kanyang tanong. Ilang sandali akong hindi nagsalita at tanging nakayuko lang.

Hanggang sa naalala ko ang isang lalaking nasa loob din ng kwarto kung saan akong binigyan ng parusa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun o sadyang nakita ko talaga si Hendrix na nandun sa loob. Imposible namang makapasok sya sa lugar na yun dahil hindi nya alam yun, at isa' pa paano nya nalaman nandun ako.

Salamantalang wala naman akong sinasabi sa kanya. Siguro nga guni-guni ko lang ang lahat, baka naman ibang tao lang yun nagkamali lang siguro ako dala na rin siguro ng aking pagkahilo at naghihinang katawan.

"How many days have i been here?" Imbis ay tanong ko sa kanyang inang nagaalala pa rin ako tinignan ng kanyang mga mata.

"Five days." Simple at walang reaksyong sabi ng aking kapatid.

Limang araw? Ibig sabihin limang araw akong nakahiga dito at parang walang buhay? Hindi ko aakalaing limang araw akong nakaratay dito sa kama. Sigurado akong sa limang araw na yun, pinaghahanap na ako ng mga tauhan at kung sino-sino pang tayo para lang mahanap ako ni Hendrix.

Kaya hindi ako nagdalawang isip na tanggalin ang aking dextrose sa kaliwa kong kamay. At mabilis na tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa kama at pinilit na tumayo kahit na masakit ang aking buong katawan. Walang pumigil sakin, kahit pa ang mga magulang ko at mga pinsan. Nakatingin lang silang lahat sakin, tanginh tingin lang din ang ginanti ko.

Akala ko tuluyan na akong makakalabas ng kwartong yun, dahil wala naman silang imik o salita man lang. Nasa harapa na ako ng pinto papalabas sa kwarto ng bigla akong hawakan ng isang kamay sa aking braso. Hindi ko na sana ito papansin, pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now